Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Alam mong ika'y nasa Tsina kapag...

(GMT+08:00) 2018-03-01 16:47:06       CRI

Bawat lugar sa mundo ay may kanya-kanyang katangian at kultura. Kung ang isang taga-Asya ay magpupunta ng Amerika o Europa, mapapansin niya agad ang kaibahan sa kaugalian ng mga tao, kaibahan sa kanilang pagkain, kaibahan sa uri ng pamumuhay, kaibahan sa pananamit, relihiyon, etc. Makikita rin niya ang mga katangiang likas at matatagpuan lamang sa lokalidad kung nasaan siya.

Kung dadako naman tayo sa Pilipinas, Tsina at Asya, ganoong din ang situwasyon. Kung ang isang taga-Amerika, taga-Europa, taga-Aprika, at taga-Latin Amerika ay mamamasyal sa Asya, kaagad niyang makikita ang mga kaibahan sa pananamit, pag-uugali, relihiyon, pagkain, pakikisalamuha, etc.

Kahit mismong mga taga-Asya, kung sila ay magpupunta sa ibat-ibang bansa sa kontinente, marami ang makikita nilang pagkakaiba sa kanilang sariling bansa.

Ayon po sa ating pananaliksik sa ibat-ibang babasahin at peryodiko dito sa Tsina, at pakikipag-usap sa mga Tsino at mga dayuhang matagal nang naninirahan sa bansa, "alam mong ika'y nasa Tsina kapag…" Ang December 25, o araw ng Pasko at January 1 o ating Bagong Taon ay normal na araw lamang. Samantalang, pagkatapos ng mga 30 araw, doon pa lang ipagdiriwang ang pinakamasaya, at pinaka-enggradeng pagdiriwang sa Tsina (Spring Festival).

Di-tulad sa Kanluran at sa Pilipinas, kung saan, ang Pasko't Bagong Taon ang pinaka-espesyal sa lahat ng pagdiriwang, dito sa Tsina, ang katumbas ng mga ito ay Spring Festival o Chun Jie sa wikang Tsino. Ito ang kanilang pinagsamang Pasko't Bagong Taon.

"Alam mong ika'y nasa Tsina kapag…"minsan, makakakita ka ng mga tao sa kalsada na nagsusunog ng pera --- laruang pera. Naniniwala kasi ang mga Tsino na ito ay isang paraan ng pag-alala sa kanilang mga namayapang kamag-anak, at upang magkaroon ng suwerte.

"Alam mong ika'y nasa Tsina kapag…"nakakakita ka ng maraming de-kuryenteng motorsiklo.

Mayroong mga 121 milyong de-kuryenteng motorsiklo sa Tsina, hindi pa po kasama riyan iyong mga tradisyonal na de-pidal na bisikleta. Ang nakakabilib po ay, halos walang aksidenteng kinasasangkutan ng mga de-kuryenteng motorsiklo sa mga lansangan ng Beijing, kung mayroon man, ito ay mga menor na aksidente lamang.

"Alam mong ika'y nasa Tsina kapag…"Ang mga bangko ay bukas tuwing Sabado't Linggo. Hindi lang po iyan, bukas din po sa mga araw na ito ang ilang eskuwelahan at opisina ng gobyerno.

"Alam mong ika'y nasa Tsina kapag… humingi ka ng malamig na tubig sa restawran at sasabihin sa iyo ng waiter, "wala po kaming malamig na tubig pero mayroon po kaming maligamgam, mainam ito sa sikmura ninyo."

Para sa isang dayuhan na tulad ng inyong lingkod, kailangan ang ilang buwang pag-a-adjust bago makagawian ang ganitong kultura.

Naniniwala kasi ang mga Tsino, na ang pag-inom ng malamig na tubig ay makakasama sa normal na pag-andar ng sikmura.

Ilan lang po ang mga iyan sa mga bagay na talagang may katangiang Tsino. Siguro, para sa taynga nating mga Pilipino, medyo wirdo ang ilan, ano po? Pero, rito sa Tsina, ganyan po ang kagawian at kultura.

May Kinalamang Babasahin
rhio
v Pinakamalaking migrasyon ng tao sa daigdig 2018-02-22 16:22:53
v Bagong Taon ng Tsina 2018-02-19 10:56:31
v Bandang Flower: Pinakabatang POP-Punk Band sa Tsina. 2018-02-01 18:13:24
v Etekite ng Pagkaing Tsino 2018-02-01 16:42:49
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6392061806XX: Pagdalaw ni Dalai sa Taiwan hindi makakatulong sa pagkakaisa ng Taiwan at mainland. Dapat lumayo siya rito.
More>>