Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Napaslang na drug suspects sa Bulacan umabot sa 13

(GMT+08:00) 2018-03-22 18:01:17       CRI

Napaslang na drug suspects sa Bulacan umabot sa 13

MAY 13 mga pinaghihinalaang sangkot sa droga ang napaslang sa hiwa-hiwalay na police operations sa lalawigan ng Bulacan samantalang higit sa 100 ang nadakip sa buong maghapon kahapon.

Ibinalita ni Sr. Supt. Romeo Caramat, Bulacan Police Director, na nagkaroon ng may 60 buy-bust operations sa siyam na bayan ng lalawigan.

Magugunitang nagkaroon ng 32 napaslang sa loob ng magdamag noong Agosto samantalang may sampu na naman ang napaslang noong nakalipas na Pebrero sa serye ng anti-drugs operations.

Bahagi lamang umano ito ng kanilang walang-humpay na kampanya laban sa mga pinaghihinalaang sangkot sa ilegal drugs. Nagpaputok umano ang lahat ng mga sangkot sa illegal drugs kaya't nauwi sa barilan ang mga operasyon.

Iginiit ni Sr. Supt. Caramat na ipinagtanggol lamang ng kanyang mga pulis ang kanilang mga sarili sa kamay ng mga kriminal.

Higit sa 100 ang nadakip samantalang 19 na sandata ang kanilang nasamsam kasama ng may 250 pakete ng pinaghihinalaang droga ang nasa pag-iingat na ng mga autoridad.

1  2  3  4  
May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>