Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Xiong'an New Area

(GMT+08:00) 2018-04-04 17:08:57       CRI

 Ang Abril 1, 2018 ay unang anibersaryo ng pagkakatatag ng Xiong'an New Area sa probinsyang Hebei ng Tsina. Alinsunod sa kahilingang iniharap ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina, noong isang taon, natamo nito ang kapansin-pansing progreso sa mga aspektong gaya ng malalaking proyekto, pamumuhay ng mga mamamayan, at paghahanap-buhay.

Noong nakaraang taon, ipinasiya ng Tsina na itatag ang Xiong'an New Area. Saklaw nito ang tatlong bayang kinabibilangan ng Xiong, Rongcheng, Anxin, at bahaging rehiyong nakapaligid dito. Ito ay nasa sentro ng Beijing, Tianjin, at Baoding.

Ayon sa plano, itinatatag sa Xiong'an New Area ang ilang mapanlikhang plataporma o innovative platform sa antas ng estado, at itinatatag din ang makatuwirang kayariang panlunsod. Sa kasalukuyan, mahigit isang daang high-tech enterprise na tulad ng Alibaba, at Baidu, ang nagpapatakbo ng kanilang negosyo sa Xiong'an New Area.

Bukod dito, sapul nang maitatag ang Xiong'an New Area, maayos ding nalulutas ang mga pragmatikong problemang gaya ng pabahay, at paghahanap-buhay ng mga mamamayan.

Ang Xiong'an New Area sa probinsyang Hebei ng Tsina ay isang senyal na lumitaw na ang representatibong lunsod sapul nang pumasok sa bagong siglo ang reporma at pagbubukas ng Tsina sa labas. Ito ay isang mahalaga at historikal na estratehikong pagpiling ginawa ng Komite Sentral ng CPC sa patnubay ni Xi Jinping.

Ang mga natamong bunga at progreso ng Xiong'an New Area noong isang taon, ay nagpapakitang ang inobasyon ang tiyak na piling landas ng pag-unlad ng Xiong'an.

Mula nang maitatag ang Xiong'an New Area, itinatag rin ang mga linya ng transportasyon para sa mga locators at mga mamamayang nakapaligid ditto, at sapul nang isaoperasyon ang dalawang bullet train mula Beijing patungong Xiong'an noong Hulyo, 2017, nakikinabang dito ang napakaraming mamamayan.

Hanggang Marso 30, 2018, halos 490 libong person-time na pasahero ang naihatid sa pamamagitan ng nasabing dalawang bullet train.

Noong katapusan ng nagdaang Pebrero, pormal na sinimulan ang konstruksyon ng intercity railway sa pagitan ng Beijing at Xiong'an. Ito ang unang malaking proyektong pangkomunikasyon na itinatag sa Xiong'an New Area.

Dahil sa mga pag-unlad na ito, napapansin na ng buong mundo ang Xiong'an New Area, at kamakailan, isang delegasyong mula sa London, Britanya ang naglakbay-suri rito.

Sa isang panayam kamakailan sa Beijing, sinabi ni Charles Bowman, Lord Mayor ng London, Britanya, na mayaman ang karanasan ng London sa aspekto ng pagtatatag ng smart city. Inaasahan aniya ng London ang pakikipagtulungan sa Xiong'an New Area, sa aspekto ng malusog at berdeng pag-unlad.

Pinamunuan kamakailan ni Mayor Charles Bowman ang delegasyong komersyal ng Britanya sa Beijing, Shanghai, Shenzhen, Hongkong, at iba pang lugar.

Sinabi niya na bilang tagapagtatag ng City of London, lumagda ang Canary Wharf sa kasunduang pangkooperasyon sa Xiong'an New Area noong nagdaang Enero, 2018. Umaasa aniya siyang maibabahagi ang karanasan ng konstruksyon ng City of London sa mga Chinese partners.

Dagdag pa niya, ang Xiong'an New Area ay may pag-asang umakyat sa unang lebel na sentro ng digital finance at inobasyon sa daigdig.

Mga kaibigan, nauuso na ngayon ang 5G dito sa Beijing at inaasahang magiging bahagi ito ng pamumuhay ng mga mamamayan sa malapit na hinaharap. Pero, gayunpaman, marami pa ring tao ang nagtataka kung paano nga ba ito magiging importante at ano ang mga aktuwal na benepisyo nito sa larangan ng mobile technology.

Kaugnay nito, isang pagsubok ng remote-controlled na kotse ang ginawa sa Xiong'an New Area na nagsisilbing isang malinaw na indikasyon kung paano magagamit ang teknolohiya ng 5G.

Ilang kompanyang Tsinong may kaugnayan sa Artificial Intelligence (AI) at autonomous na sasakyan ang nagsama-sama upang makamtan ang 6 milliseconds na response time, na 10 beses na mas mabilis kaysa sa 4G.

Sa pagsubok, pinaandar ang isang remote-controlled na sasakyan gamit ang teknolohiya ng 5G sa loob ng 20 kilometero, kung saan ginawa ang acceleration, pagliko at pagpreno. Ang response time ay mga nasa 6 milliseconds sa buong kahabaan ng pagsubok.

May 1,000 milliseconds sa isang Segundo, at ang tipikal na response time ng 4G ay 50 milliseconds.

Ang response time ay ang oras sa pagitan ng pagbigay ng utos hanggang sa pagtanggap ng utos ng device.

Kapag pinag-usapan natin ang bilis ng Internet, ito'y nangangahulugang kung gaano tayo kabilis mag-download o mag-transfer ng data. Pero, ang bilis na ito ay pwede ring mangahulugang response time.

Ang mahabang response time o mas kilala sa atin diyan sa Pilipinas bilang lag ay isang tunay na problema sa mga gumagamit ng sellphone, Internet at iba pang online na produkto. Kaya naman, maaalala natin na pinapapasok ni Pangulong Duterte sa bansa ang isang pang telco player upang mabasag ang monopoly ng Globe at Smart.

Dito, sa Tsina, sa pamamagitan ng 5G, ang lag ay talagang mapapaliit, at magiging daan tungo sa mga pagbabagong magdudulot ng positibong epekto sa paraan ng pamumuhay ng mga mamamayan. Sa pagpasok ng isa pang telco player sa atin, possibly, Chinese telco, maaari nang ma-enjoy ng ating mga kababayan ang teknolohiya ng 5G sa abot-kayang presyo.

Pero, hindi lang po sa telco ang aplikasyon ng 5G, maraming larangan kung saan ito maaaring i-apply, gaya ng remote-surgery sa mga ospital, at sa Xiong'an, remote driving.

Ang teknolohiyang kung tawagin ay 5G-V2X, ay maaari ring magamit sa ibang sasakyan o device.

May Kinalamang Babasahin
rhio
v Mga lider Tsinong hindi miyembro ng CPC 2018-03-23 16:41:27
v Pulitika ng Karapatang Pantao 2018-03-15 16:45:39
v Beijing, billionaire capital ng mundo 2018-03-08 17:50:47
v Alam mong ika'y nasa Tsina kapag... 2018-03-01 16:47:06
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6392061806XX: Pagdalaw ni Dalai sa Taiwan hindi makakatulong sa pagkakaisa ng Taiwan at mainland. Dapat lumayo siya rito.
More>>