Mga nag-recruit kay Joanna Demafelis, nararapat ding managot
KAILANGANG panagutin ang mga nag-recruit kay Joanna Demafelis matapos hatulan ng parusang kamatayan ang nasa likod ng pagkasawi ng kasambahay.
Ito ang sinabi ni Bishop Ruperto Santos, chairman ng CBCP-Episcopal Commission on Migrants and Itinerant People sa isang panayam. Nararapat lamang mapanagot ang mga nag-recruit kay Joanna Demafelis.
Bagaman, niliwanag ng obispo na kontra ang Simbahan sa parusang kamatayan.
Inihatid na sa huling hantungan ang labi ni Demafelis noong ikatlong araw ng Marso.
1 2 3 4