Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Ted Esguerra at John Manginsay ng Balangay Expedition Team ng Pilipinas

(GMT+08:00) 2018-05-30 16:55:54       CRI

Noong mga nakaraang episode ay na-i-feature natin sa programang ito ang pagdalaw ng Balangay Expedition Team ng Pilipinas sa Tsina upang gunitain ang ika-601 taong pagdalaw ni Sultan Paduka Batara ng Sulu sa Tsina noong panahon ng Dinastiyang Ming (1368 hanggang 1644).

Ang pagbisita ni Sultan Paduka Batara sa kanyang kaibigan, ang Emperador Yongle ng Dinastiyang Ming ay isang matatag na pundasyon at ebidensya kung gaano katibay, at di-nagmamaliw ang pagpapalitan ng mga mamamayang Pilipno at Tsino.

Malaki ang papel na ginampanan ng Balangay sa pagkakabuo ng relasyong Pilipino-Sino, dahil ito ang unang paraan ng mga Pilipino upang maglayag sa dagat.

Ang pagdalaw ng Balangay Expedition Team sa Tsina ay simbolo ng patuloy pang pag-usbong ng kapakinabangan para sa mga mamamayan ng dalawang bansa at buong rehiyon ng Timogsilangang Asya.

Ang paglalayag ng nasabing grupo papunta sa Tsina, gamit ang Balangay ay isang pagpapakita sa mundo, na ang Pilipinas ay tumatahak sa landas ng indipendiyenteng polisiyang panlabas, at ang bansa ay kaibigan ng lahat at kaaway ng walang sinuman.

Ang malalaking katawan ng katubigan sa Timogsilangang Asya na gaya ng Dagat Java, Dagat Sulu, Dagat Celebes, South China Sea, at Gulpo ng Thailand ay mga linya ng transportasyon at komunikasyon ng mga ninunong Pilipino at Tsino, at ang mga katubigang ito ay nagsilbing paraan upang ma-unipika ang mga mamamayan ng Timogsilangang Asya at Tsina.

Hindi kailanman naging instrumento ang mga ito upang magkawatak-watak ang ating mga ninuno.

Pinapa-ala-ala ng Balangay ang libu-libong taong pagkakaisa at pagkakaibigan ng mga Pilipino at Tsino.

Nagkaroon po tayo ng pagkakataon kapanayamin si Dr. Ted Esguerra, at bukod sa pagiging doktor, siya rin ay isang artisanong nagpo-promote ng sariling likhang Pilipino.

Bukod pa sa sining, ipino-promote din ni Esguerra ang Arnis/Eskrima/Kali, na kilala rin sa tawag na Filipino Martial Arts (FMA).

Aniya, mahalagang maibahagi natin sa mundo ang kakayahang ito, upang maipakilala ang tunay na kultura at katangian ng mga Pilipino.

Tatlong Balangay ang ginamit ng nasabing grupo sa paglalayag sa Tsina, at kabilang dito ang Sama Tawi-Tawi , Lahi ng Maharlika, at Sultan Sin Sulu (pangunahing Balangay).

Ang grupo ay binubuo ng 35 miyembro, kabilang na sina Noelle Wenceslao at Carina Dayondon, mga kauna-unahan at 2 natatanging babaeng naka-akyat at nakatawid sa Bundok Everest, at hanggang ngayon, hindi pa nasisira ang kanilang rekord.

May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6392061806XX: Pagdalaw ni Dalai sa Taiwan hindi makakatulong sa pagkakaisa ng Taiwan at mainland. Dapat lumayo siya rito.
More>>