Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Sister Patricia Fox, umaasang mananatili sa bansa

(GMT+08:00) 2018-05-31 17:26:28       CRI

Sister Patricia Fox, umaasang mananatili sa bansa

SR. PATRICIAN ANN FOX UMAASANG MANANATILI SA BANSA. Sinabi ni Sr. Patricia Fox na umaasa siyang mananatili sa bansa sa likod ng deportation proceedings laban sa kanya. Ito ang kanyang mensahe sa jdinaos na Wednesday Roundtable @ Lido. Kanyang katabi si dating Agrarian Reform Secretary Rafael Mariano. (Melo M. Acuna)

UMAASA si Sr. Patricia Anne Fox ng Notre Dame of Sion na makapagpapatuloy siya sa paglilingkod sa mga mahihirap na mamamayan ng bansa, lalo't higit sa mga maralitang magsasaka, mangingisda at mga manggagawa.

Sa kanyang pagsasalita sa Wednesday Roundtable @ Lido, sinabi ni St. Pat na nakapaglingkod na rin siya sa mga komunidad ng halos tatlong dekada at nakikiisa na siya sa mga mahihirap na humuhiling ng mas patas na pagtrato mula sa pamahalaan.

Ani Sr. Pat, hindi naman siya nanawagang ibagsak ang pamahalaan at ang kanyang kahilingan ay maisama ang mga walang lupang magsasaka sa palatuntunan ng Comprehensive Agrarian Reform at magkaroon ng mas matatag na hanapbuhay ang mga manggagawa. Nakikiisa lamang ang Simbahan sa kalagayan ng mga mahihirap.

Sinabi naman ni Sr. Anna Montecillo, isang madre mula sa Daughters of Saint Anne na nakapaglingkod siya ng 11 taon sa Indonesia at 'di man lamang napasailalim sa deportation proceedings o napagbantaan ng sinuman.

Naglingkod umano sila sa mga mahihirap at mga nagsilikas mula sa kaguluhan. Naglingkod sila sa lahat, maging mga Muslim, Protestante at Katoliko.

Samantala, sinabi naman ni dating Agrarian Reform Secretary Rafael Mariano na madalas nilang makasama si Sr. Pat sa mga fact-finding mission sa iba't ibang bahagi ng bansa upang mabunyag ang tunay na kalagayan ng mga mamamayan, partikular ng mga katutubo, magsasaka, manggagawa at maging mga mangingisda.

Naniniwala naman si dating Philippine Ambassador to The Holy See, Ambassador Jose Apolinario Lozada, Jr. na hindi makikialam ang Vaitcan sa nagaganap kay Sr. Pat sapagkat malayo ito sa isyu ng Freedom of Religion. Ang isyu ay sa pag-itan ng Pilipinas at Australia matapos punahin ng prime minister at foreign minister ang mga nagaganap na paglabag sa Karapatang Pangtao at sa mga extra judicial killing mula ng manungkulan si Pangulong Rodrigo Duterte.

Ani dating Ambassador Lozada, nagkataon lang na isang Australian national si Sr. Pat kaya't siya ang nadawit at napag-initan.

Ipinaliwanag naman ni Fr. Jerome Secillano na tahimik ang Catholic Bishops Conference of the Philippines sa isyu ni St. Pat sapagkat ipinababahala na sa Association of Major Religious Superiors in the Philippines ang pakikipagtalastasan sa iba't ibang sangay na Simbahan.

1  2  3  
May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6392061806XX: Pagdalaw ni Dalai sa Taiwan hindi makakatulong sa pagkakaisa ng Taiwan at mainland. Dapat lumayo siya rito.
More>>