Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Bagong paliparan sa Cebu, pinasinayaan

(GMT+08:00) 2018-06-08 18:26:04       CRI

Bagong paliparan sa Cebu, pinasinayaan

 BAGONG TERMINAL, PINASINAYAAN. Makikita si Pangulong Rodrigo Duterte na sinasalubong ni Transport Secretary Arthur Tugade sa tanghalan pang simulan na ang palatuntunan sa pagpapasinaya ng makabagong terminal building. Naroon din si Executive Secretary Salvador Medialdea (pang-pat mula sa kanan). (DoTr Photo)

PINAMUNUAN ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pagpapasinaya sa bagong paliparan sa Cebu kanina.

Ayon kay Pangulong Duterte, ang Cebu International airport terminal building ang pinakamagandang terminal sa bansa ngayon.

Pinasalamatan din ni G. Duterte si Transport Secretary Arthur Tugade na siyang nag-utos na madaliin ang pagpapatayo ng terminal na nasimulan noong panahon ni Pangulong Benigno Simeon Aquino III noong 2016.

Mula sa unang araw ng Hulyo, sa terminal na ito daraan ang mga pasaherong patungo at magmumula sa iba't ibang bansa samantalang ang kasalukuyang terminal ang gagamitin ng mga domestic passengers.

May 25 international destinations na nagmumula sa Mactan Cebu International Airport samantalang mayroon ding 30 domestic flights na nagmumula at dumarating sa paliparan.

Mayroon ding 26 na international airlines na gumagamit ng paliparan. Ang pagpapasinaya ay sinaksihan din ng mga miyembro ng gabinete, mga mambabatas, opisyal ng pamahalaang local at mga namumuno sa GMR Megawide Cebu Airport Corporation at mga kinatawan ng iba't ibang kumpanya ng eroplano.

1  2  3  4  
May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6392061806XX: Pagdalaw ni Dalai sa Taiwan hindi makakatulong sa pagkakaisa ng Taiwan at mainland. Dapat lumayo siya rito.
More>>