Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Pangulong Duterte, umaasang magtatagumpay ang pag-uusap tungo sa kapayapaan

(GMT+08:00) 2018-06-13 16:46:01       CRI

Iba't ibang grupo nanawagang ibalik ang bantayog ng comfort woman

IBA'T IBANG GRUPO NAGSAMA-SAMA. Makikita ang mga kabataan at mga nasa likod ng panawagan sa pamahalaang ibalik ang bantayog sa karangalan at gunita ng mga biktima ng karahasan noong Ikalawang Digmaang Pandaigdig. (Melo M. Acuna) 20180612 - GABRIELA, ETAL.jpg

NANAWAGAN ang iba't ibang grupo ng mga kababaihan, mga mag-aaral at maging mambabatas sa Pamahalaang Pambansa na ibalik ang bantayog sa gunita ng mga kababaihang hinalay noong Ikalawang Digmaang Pandaigdig.

Sa isang seremonyang kinatampukan ng mga pananalita, awit at pag-aalay ng mga bulaklak sa manaka-nakang pag-ulan, sinabi ni Gng. Teresita Ang See, ang nagtatag ng Kaisa para sa Kaunlaran na huwag yumuko sa mga panawagan ng ibang pamahalaang burahin na ang gunita ng mapait na karanasan ng mga kababaihan sa kamay ng mga mananakop noong Dekada Kuwarenta.

Ani Gng. Ang See, kung mayroon mga memorial para sa mga nanakop sa Pilipinas, kailangang mabunyag ang hirap at sakit ng mga mamamayan noong Ikalawang Digmaang Pandaigdig.

Pinapurihan naman ni Sr. Mary John Mananzan ang mga ginawa nina Nelia Sancho at ni Lola Rosa, ang kauna-unahang Filipina na umaming hinalay siya ng mga kawal noong panahon ng digmaan. Ani Sr. Mary John, nagkaroon ng lakas ng loob ang iba pang mga biktima ng digmaan na lumantad at manawagan at humingi ng katarungan.

Sa panig naman ni Gabriela Party List Congresswoman Arlene Brosas, sinabi niyang kailangang pahalagahan ang mapait na karanasan ng mga Lola kasabay ng panawagan sa pamahalaang ibalik na ang bantayog na tinanggal noong huling Biyernes ng Abril. Kailangan ding humingi ng tawad ang Pamahalaang Hapones sa naganap noong panahon ng digmaan.

Dumalo rin sa pagtitipon ang mga kinatawan ng Memorare 1945, Wa Chi Brigade at iba pang mga samahan.

Natapos ang pagtitipon sa pag-aalay ng mga bulaklak sa dating kinalalagyan ng bantayog sa Roxas Blvd. sa Malate, Maynila.

1  2  3  4  
May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6392061806XX: Pagdalaw ni Dalai sa Taiwan hindi makakatulong sa pagkakaisa ng Taiwan at mainland. Dapat lumayo siya rito.
More>>