Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Pagbabalik-aral sa K-12 kailangan

(GMT+08:00) 2018-08-09 10:24:08       CRI

Cash-based budget, kontrobersyal

CASH-BASED BUDGETING, MAHIRAP. Inamin ni House Appropriations committee chair Congressman Karlo Nograles na ngayon pa lamang susubukan ang sistemang ito ay nahihirapan sila sapagkat may mga proyektong 'di matatapos sa loob ng isang taon.

NAHIHIRAPAN ang Kongreso sa panukalang cash-based budgeting na nais ipatupad ng Department of Budget and Management.

Ito ang sinabi ni Congressman Karlo Nograles, chairman ng Committee on Appropriations sa idinaos na Wednesday Roundtable @ Lido sapagkat hindi pa nasusubukan ang ganitong kalakaran sa kasaysayan ng pamahalaan. Ipinaliwanag niyang ang mga proyektong balak ipatupad ng pamahalaan ay nararapat na matupad ayon sa schedule sa buong taon. Ang mga proyektong 'di matatapos sa taon ay hindi na mababayaran.

Ayon kay Congressman Bayani Fernando, isang malaking problema ito sapagkat wala nang magpapa-utang sa mga kontratista sapagkat nagtatagal ang mga proyekto ng higit sa isang taon. Kahit umano mga bonding agency ay hindi na mangangahas na maglaan ng salapi sa mga kontratista sa pangambang hindi na mababayaran.

Inihalimbawa naman ni CHED Officer-In-Charge De Vera na may mga state universities and colleges na nagbubukas ng unang semestre sa ikatlong kwarter ng bawat taon at ang talaan ng mga mag-aaral ay matatapos lamang sa loob ng isa o dalawang buwan. Sa pagbubukas ng ikalawang semestre sa buwan ng Enero, wala nang salapi sapagkat ibang taon na ang paglalaanan ng salapi.

1  2  3  4  5  
May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>