Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Kasunduan ng Tsina at Pilipinas sa joint exploration malaman na malagdaan na

(GMT+08:00) 2018-08-17 18:14:55       CRI

Pagtutulungan ng mga pamahalaan, kailangan

PAGTUTULUNGAN, MAHALAGA. Binigyang-diin ni Defense Undersecretary Cardozo M. Luna na mahalaga ang pagtutulungan ng mga bansang nagpapahalaga sa kapayapaan sa Asia Pacific Region lalo pa't walang katiyakan ang mga nagaganap sa iba't ibang bahagi ng daigdig. (Melo M. Acuna)

SINABI ni Undersecretary of Defense Cardozo M. Luna na sa kakaibang takbo ng daigdig at walang katiyakang seguridad ng lipunan at mga bansa, kailangan ang isang matibay na mekanismo ng pagtutulungan ng mga bansang nagpapahalaga sa kapayapaan.

Sa kanyang talumpati sa isang pandaigdigang pulong sa Manila Hotel, sinabi ni Undersecretary Luna na dati ring vice chief of staff ng Armed Forces of the Philippines, kailangang mag-ugnayan ang mga bansa upang isulong ang nagkakaisang layunin at matugunan ang mga makabagong hamon.

Sinabi niyang nahaharap ang Asia Pacific region sa iba't ibang panganib at kailangang magbahaginan ng mga matatagumpay na paraan upang matuto ang iba't ibang bansa sa paghahanap ng paraan upang masugpo ang anumang panganib.

Idinagdag niyang ang mga bumubuo ng mga programa sa Pilipinas at sa rehiyon ay nagtutulungan upang magkaroon ng mas malakas at matibay na international community.

Ang pagpupulong ay itinataguyod ng Department of National Defense sa pamamagitan naman ng National Defense College of the Philippines.

1  2  3  4  5  
May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>