Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Kalakal at terorismo, pag-uusapan nina Pangulong Duterte at Pangulong Widodo

(GMT+08:00) 2018-10-11 16:41:24       CRI

Kalakal at terorismo, pag-uusapan nina Pangulong Duterte at Pangulong Widodo

MAGIGING paksa nina Pangulong Duterte at Widodo ang kalakal at terorismo sa kanilang pagkikita sa Bali, Indonesia bukas. Magaganap ito sa kanilang pagkikita na kasabay ng ASEAN Leaders' Gathering.

Nakatakdang dumating si Pangulong Duterte sa Bali, Indoneia ngayong gabi.

Ayon kay Philippine Ambassador to Indonesia (Leehong Tan Wee)""""", maraming isyu ang tatalakayin ng dalawang pangulo tulad ng terorismo sa Celebes Sea na isang malaking problema. Ito ay nananatili sa likod ng pagtatangka ng tatlong magkakalapit na bansa, kabilang ang Malaysia na magsabay-sabay sa kanilang pagpapatrolya.

Nagkaroon na ng join patrol sa pagitan ng Indonesia at Pilipinas particular sa Celebes Sea upang mahigpitan ang seguridad laban sa mga militante at mga terorista.

Nakatakda ring buhayin ang naudlot na paglalakbay ng eroplano sa pagitan ng Davao at Manado sa Indonesia. Ang Manado ang siyang kapitolyo ng Sulawesi Province. Magkakaroon din ng fastfood mula sa Pilipinas na magbubukas sa Jakarta sa susunod na taon.

Nagkaharap ang dalawang pangulo sa ika-32 ASEAN Summit noong Abril sa Singapore. Nag-usap silang higit na palalakasi ang relasyon ng dalawang bansa.

1  2  3  4  
May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6392061806XX: Pagdalaw ni Dalai sa Taiwan hindi makakatulong sa pagkakaisa ng Taiwan at mainland. Dapat lumayo siya rito.
More>>