Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

I Am Your Mom.

(GMT+08:00) 2018-10-22 17:00:29       CRI

Si Xiaoyi ay isang 17 taong gulang na batang babae. Mayroong siyang maliwanag na malaking mata at pulang mga labi, pero dahil sa maikling buhok at magaslaw na kilos, muhka siyang boyish.

Di-tulad ng ibang normal na family ng teenage girls, sa bahay ni Xiaoyi, mayroong dalawang tao lang: siya, at kanyang nanay. Iniwan sila ng tatay ni Xiaoyi noong bata pa siya.

Kaya, nitong nakaraang 10 taon, namumuhay si Xiaoyi kasama ng nanay niya, na si Meili, isang maganda at independent na 48 yr old.

Ayon kay Xiaoyi, ang nanay niya na si Meili ang pinakamalaking pinagmulan ng lahat ng gulo sa buhay niya. Ipinalalagay ni Xiaoyi na bilang isang nanay, napakastrict ni Meili. Gusto ni Xiaoyi na mag diet pero nagluluto bawat araw si Meili at pinipilit siyang kumain. Si Meili ay naninigarilyo pero nang natuklasan niya na ang 17 taong gulang na si Xiaoyi na nagyo yosi, abot langit ang galit nito. Sa kabila ng edad na 48 si Meili ay maalaga sa katawan at napapanatiling maganda, kaya mayroong siyang 3 manliligaw: isang matagumpay na businessman, isang civil servant na may stable income, at isang English Teacher —— English teacher ni Xiaoyi. Pero, kung nagkakagusto naman si Xiaoyi sa isang batang lalaki sa paaralan, mariin itong pinagbabawalan at sinasabi sa kanya: "Ito ang last year mo sa high school, ang pag-aaral ay pinakamahalagang bagay para sa inyo!"

Tama, ito ang last year ni Xiaoyi sa high school at ang "Gao Kao" —— National College Entrance Examination, pinakamahalagang eksam para sa lahat ng kabataan ng Tsina Dala nito siyempre, marami ang homework at malaki ang presyur, pero, ipinalalagay ni Xiaoyi na mayroong rin dalawang masayang options: una, mayroong siyang pagkakataon para pumili ng college at major, at ikalawa, kung makakapasa sa eksam ng college sa ibang lunsod, mayroong siyang pagkakataon na umalis sa poder ng kanyang nanay, at simulan ang bagong malayang buhay!

Sa wish paper, isinulat ng ibang classmates ang kanilang dream university, pero si Xiaoyi isinulat niya: "Leave my mum!"

Sinabi ni Xiaoyi sa kanyang best freind: "Ito ang pinakamalaking pagasa ko sa loob ng nakaraang 10 taon." At para isakatuparan ang pagasang ito, itinigil ni Xiaoyi ang dispution kay Meili. Ginawa niya ang lahat ng bagay na iniutos ni Meili na kinabibilangan ng pagkakain ng lahat ng "nutrisyon" sa plates, pagtitigil ng smoking, nakakalimutan ng guwapong batang lalaki na minamahal niya, at working very hard sa pag-aaral.

Pero, pagkaraan ng lahat ng paghahanda at hirap, sa bandang huli, bigo si Xiaoyi: gusto niyang maging acting major sa college, pero hindi sumang-ayon si Meili. Ipinalalagay ng nanay na: "Ang pagiging isang aktress ay mahirap, why don't you try some other more "stable" job na tulad ng lawyer, doktor, o guro?"

Hindi napigilan ni Xiaoyi at sinabi niya sa kanyang nanay na: "You just want to control me and all my life."

Naglayas si Xiaoyi sa bahay, na ikinagulat ni Meili. Hindi niya akalaing sobrang laki na ng misunderstanding sa pagitan niya at ng anak niya. Nang muling nagharap si Meili at Xiaoyi sinabi ng ina "Hindi ko gustong kontrolin ka. Gusto kong maging bahagi ng paglaki mo."

Pero walang sagot mula kay Xiaoyi. Kaya sinabi ni Meili "Kung gusto mong ipasa ang interview bilang acting major, I can help you."

It turns out, noong bata pangarap din ni Meili na maging isang aktress. Pero, nagka anak siya sa edad na 20 taong gulang at soon naging isang single mother, binitiwan ang kanyang pangarap at naging isang waitress para kumita ng mas maraming pera at mapakain ang anak.

Sa kabila nito si Meili ay isang magaling na dancer. Kaya, pagkaraan ng 20 taon, ngayong siya ay naging dance teacher ng kanyang sariling anak

Sa tulong ng nanay, nag-aral si Xiaoyi ng pagsasayaw, at mga ibang skill para paghandaan ang audition at talent test sa university.

Sa bandang huli, dumating na ang big day: araw ng eksam. Magkakasamang pumunta sa college sina Meili at Xiaoyi. Datapuwa't pumasok si Xiaoyi sarili sa silid ng eksam, at umupo sa labas si Meili, pareho silang kabado.

Naipasa ni Xiaoyi ang una at ikalawang round na eksam. Pero, sa last round na eksam, naganap ang isang malaking problema: ang tema ng eksam ay "couple dance", pero, hindi dumating ang partner ni Xiaoyi.

Itinapon ni Meili ang kanyang sigarilyo at sinabi kay Xiaoyi na: "Don't be afraid. I will be your dance partner. "

Ang performance ng "mother and daughter dance team" ay napakatagumpay. Sa maraming beses na pageensayo nagawa ng mag ina ang pulidong pagtatanghal. Nakuha ni Xiaoyi ang mataas na score, at pwedeng pumasok sa film academy at magiging isang aktress.

Pero sa masayang moments na ito, biglang hinimatay si Meili sa stage.

Sa ospital, sinabi ng doktor kay Xiaoyi na may sakit ang nanay niya, at ito ay cancer.

Ang araw na ito, ay 18th birthday ni Xiaoyi. Sa Tsina, pagdating ng 18 adult na ito. Habang pinagmamasdan ni Xiaoyi ang unconscious mother, ramdam niya ang totoong takot. Narealize niya na sa mula't mula pa'y, inalagaan siya nanay. Sa puso niya, ang nanay ay omnipotent na superwoman, sometimes "over" omnipotent, pero ngayon, she can do nothing sa harap ng sakit.

Kinuha ni Xiaoyi ang isang maliit na paper mula sa kanyang bulsa, ito ang wish paper kung saan isinulat niyang ang "Leave my mum!", at pinunit niya ito.

Sa unang araw ng adulthood, hinarap ni Xiaoyi ang mahalagang malaking kapasiyahan: do the surgery for her mum, or hindi? Ayon sa doktor kung gagawin ang surgery, mayroong pag-asa ng survival, pero mayroong panganib rin sa proseso ng surgery.

Ipinasiya niyang gawin ang surgery. Ibinulong niya ang kanyang kapasiyahan sa nanay niya, at sinabi niya kay Meili na: "Lagi kitang aalagaan at kakampi mo ako, tulad na ginagawa mo para sa akin sa loob ng nakaraang 18 taon."

Datapuwa't hindi dumilat ang mga mata, bahagyang ngumiti si Meili.

 

 

May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6392061806XX: Pagdalaw ni Dalai sa Taiwan hindi makakatulong sa pagkakaisa ng Taiwan at mainland. Dapat lumayo siya rito.
More>>