Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Bagyong "Rosita" humina na, patungo na sa karagatan

(GMT+08:00) 2018-10-31 18:24:42       CRI

Bantog na mang-aawit, Rico J. Puno, pumanaw na

PUMANAW na ang bantog na mang-aawit na si Rico J. Puno sa edad na 65 kaninang umaga. Ayon sa kanyang manager na si Norma Japitanan, nagtungo ang mang-aawit sa pagamutan noong Linggo upang magpatingin subalit 'di na pinayagang makalabas pa.

May problema umano sa puso na nakita ang mga manggagamot. Sumailalim na sa operasyon noong nakalipas na Agosto at nilagyan na ng "pacemaker" ang mang-aawit. Nagkaroon din siya ng triple heart bypass noong Abril ng 2015.

Nabantog si Rico J. Puno sa mga awiting Ingles na nilahukan ng Pilipino. Nakilala siya sa mga awiting "May Bukas Pa", "Lupa", "Magkasuyo Buong Gabi" at iba pa.

Nagpaabot din ng pakikiramay ang Malacanang at maging ang Pangulong Vicente Sotto ng Senado. Ayon naman kay Senador Grace Poe, nagugunita niya si Rico Puno na madalas kasama ng kanyang amang si Fernando Poe, Jr. at ng kanyang inang si Susan Roces.


1  2  3  4  5  
May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>