Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Mga napiit na Filipina, pansamantalang pinalaya

(GMT+08:00) 2018-11-01 11:16:36       CRI

Pitong magdaragat, pauwi na ng Pilipinas; Sampung iba pang magdaragat, dinukot

NAKATAKDANG makabalik sa Pilipinas ang pitong seafarer na dinukot ng mga pirata noong nakalipas na Sabado, ika-22 ng Setyembre samantalang naglalayag sa karagatan ng Nigeria.

Ang pitong magdaragat na hindi pinangalanan ay kanilang sa 12 tripulante ng MV Glarus na napasok ng mga pirata samantalang naglalakbay mula sa Lagos patungo sa Port Harcourt.

Ibinalita ni Ambassador Shirley Ho-Vicario na nasa Zurich na ang mga magdaragat noong nakalipas na araw ng LInggo at pauwi na ng Pilipinas. Pinalaya ang mga Filipino noong Linggo, ika-28 ng Oktubre.

Hindi nabanggit sa ulat ni Ambassador Ho-Vicario kung may ransom na binayaran ang may-ari ng barko na pawang mga Swiss national.

May sampung mga magdaragat na Filipino ang nadukot ng mga pirata sa hiwalay na insidente sa Nigera.

Ibinalita rin ni Philippine Ambassador Ho-Vicario na dalawang Filipinong lulan ng isang barkong rehistrado sa Libera ang napasok ng mga pirata at nakasama ang dalawa sa 11 kataong dinukot ng mga armado noong nakalipas na Sabado.

Samantala, walong iba pang mga Filipino na sakay ng isang Panamanian tanker ang hinahanap pa sapagkat nakasama sila ng siyam na ibang tripulanteng nawawala ng makasakay ang mga armado sa barko noong nakalipas na Lunes, ika-29 ng Oktubre.

Inaalam pa ng Embahada ng Pilipinas kung nasaan ang mga magdaragat at pagtatangkaang mapalaya sa pagkakabihag ang mga ito. Walang impormasyon kung iisang grupo ang may kinalaman sa tatlong hiwalay na pagdukot.

Hindi pa rin kinikilala ang mga baging biktima ng kidnapping.

1  2  3  4  
May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>