Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Peking Opera(Part I)

(GMT+08:00) 2018-11-07 16:54:02       CRI

Kapag napag-usapan ang mga tradisyonal na sining ng Tsina, walang duda, ang Peking Opera ay isa sa mga napakakilala, at bantog sa buong daigdig.

Sa katotohanan, hindi mahaba ang kasaysayan ng Peking Opera sa Tsina——mahigit 200 taon lamang. Bago lumitaw ang Peking Opera, maunlad na ang sining ng opera sa Tsina, pero ang karamihan sa mga ito ay lokal na opera na mula sa iba't ibang lugar ng Tsina. Noong 1790, sa araw ng ika-80 taong kaarawan ng emperador Qianlong, isang kilalang emperador noong Qing Dynasty, pumunta sa Beijing ang 4 na pinakamagagaling na opera troupe para magtanghal sa royal banquet. Ang kanilang palabas ay umani ng papuri ng royal family, at mula noon, nanatili ang mga lokal na opera troupe sa Beijing. Natuto sila sa isa't isa, at walang humpay na pinaghalu-halo ang mga estilo at katangian, kaya sa bandang huli, unti-unting isinilang ang bagong uri ng opera —— Ang Peking Opera.

Ang Peking Opera ay, pangunahin na, pinili mula sa mga matandang kuwento, o kuwentong pangkasaysayang Tsino, at iba pa. Ang isang kompeletong Peking Opera ay mahaba — 2 hanggang 3 oras, kaya, kadalasang ipinalalabas ang pinakamaganda o pinakahuling bahagi. Napakapamilyar sa mga mamamayan ng mga kuwento, kaya nalalaman agad nila ang buod ng buong opera.

Para sa gabing ito, pinili rin namin ang mga seleksyon o buod ng mga kuwento ng Peking Opera. Ginagamit sa Peking Opera ang wikang Tsino, pero ang musika, ang mga instrumento at pag-arte ng mga aktor at aktres ay komong wika ng lahat.

Ang kauna-unahang musika na ibabahagi namin, ay pinamagatang "Drunk Concubine." Ang concubine na ito ay si Concubine Yang Yuhuan. Siya ay isang kilalang magandang babae sa kasaysayang Tsino. Nabuhay siya noong Tang Dynasty, at mayroong isang romantikong kuwento sa pagitan ni Concubine Yang at Emeprador Li Longji. Ang kantang ito ay kukuwento ng pag-inom ng alak sa parke ni Concubine Yang at paglalahad ng kanyang pagmamahal sa emperador. Ang kantang ito ay inawit ng isang kilalang dalubhasa ng Peking Opera, si Mei Lanfang.

Drunk Concubine

Ang susunod ay isang bahagi ng operang "Nayong Hongtong." Ang female leading role na si Su San ay maganda at matalino. Kasintahan niya si Wang Jinglong. Si Wang ay nakatakdang sumali sa imperial na eksaminasyon at kailangan nilang magkahiwalay. Ipinangako ni Wang kay Su San na tiyak na makukuha niya ang mataas na marka at siya'y magiging opisyal. Kapag nangyari ito, magpapakasal silang dalawa. Pero, sa panahon ng paglisan ni Wang, si Su San ay pinagbintangan ng masasamang tao at itinuring bilang kriminal. Sa kuwentong ito, tumakas si Su San mula sa kulungan at ipinahayag sa publiko ang maling pagtrato sa kanya.

Nayong Hongtong

Ang huling opera na ibabahagi namin ay "Judge Bao at Kaso ni Qin Xiang-lian." Ito ang kuwento ni Judge Baozheng. Nabuhay si Judge Bao noong Song Dynasty, at ayon sa alamat, siya ay sagisag ng katarungan. Sa kuwentong ito, ang kriminal na si Chen Shimei ay asawa ng prinsesa, pero, bilang isang judge, kamatayan ang sintensiya sa kanya ni Baozheng.

Judge Bao at Kaso ni Qin Xiang-lian

 

May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6392061806XX: Pagdalaw ni Dalai sa Taiwan hindi makakatulong sa pagkakaisa ng Taiwan at mainland. Dapat lumayo siya rito.
More>>