|
||||||||
|
||
Senador Honasan, hinirang na Kalihim ng Information and Communication Technology
NILAGDAAN na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang appointment paper ni Senador Gregorio Honasan bilang Kalihim ng Information and Communication Technology noong nakalipas na Martes subalit kailangan na niyang magbitiw bilang kasapi ng Senado upang lumipat sa ehekutibo.
Ang pagkakahirang kay Senador Honasan ay naganap isang araw matapos sabihin ng National Telecommunications Commission na ang Mislatel Consortium ang pinakabagong player sa telecommunications industry, may 12 araw matapos mabuksan ang mga dokumento sa subasta.
Ang Mislatel Consortium ay binubuo ng negosyanteng si Dennis Uy ng Davao City na siyang may-ari ng Udenna Corporation at Chelsea Logistics Holdings Corporation, franchise holder ng Mindanao Islamatic Telephone Co, at foreign partner nitong China Telecommunications Corporation.
Makakakumpetensiya ng Mislatel ang PLDT-Smart at Globe Telecom.
Umaasa ang Malacanang na makapagbibigay ng direksyon si G. Honasan sa DICT ayon sa mga prayoridad ni Pangulong Duterte na mapakinabangan ng mga mamamayan.
Binanggit na ni Pangulong Duterte noong ikawalo ng Nobyembre na inialok na niya ang posisyon kay G. Honasan.
Namumuno sa DICT si Acting Secretary Eliseo Rio na humiling pa ng dagdag na panahon uypang isaayos ang third telco initiative bago mangasiwa si Senador Honasan sa tanggapan.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |