Peace talks sa mga Rebeldeng Komunista, malabo na
MALABO na ang pag-uusap sa pagitan ng pamahalaan at mga Komunista sa taong ito. Ito ang paniniwala ni Defense Secretary Delfin Lorenzana sa isang panayam sa radyo kaninang umaga.
Ito ang pahayag ni Secretary Lorenzana isang araw matapos magbitiw si Presidential Peace Adviser Jesus M. Dureza matapos patalsikin ni Pangulong Duterte ang dalawang tauhan ng tanggapan, sina Undersecretary Ronald Flores at Assistant Secretary Yeshter Donn Baccay.
Noong Martes, sinabi rin ni Pangulong Duterte na bubuo siya ng Duterte Death Squad upang itapat sa mga sparrow units ng New People's Army.
Ani Secretary Lorenzana, ayon sa mga pahayag ni Pangulong Duterte, lumalabas na malabo nang matuloy pa ang peace talks ngayong 2018. Ginagamit din umano ng National Democratic Front of the Philippines ang peace process upang isulong ang kanilang pangangagaw ng poder mula sa pamahalaan.
1 2 3 4 5