|
||||||||
|
||
Noong taong 1988, mga 50 taong gulang na si Miao Wanqiu. Siya ay isang high school teacher, at nagtuturo siya ng Chinese class sa maliit na nayon sa loob ng 20 taon.
Bilang isang mahusay na guro, alam ni Mr Miao na ang mga estudyante sa highschool ay pinaka-nerve-wracking. Ang karamihan sa kanila ay teenagers, super energetic, too lively, nasa period ng youth rebellion. Pero, sa pinakahuling taon ng kanilang buhay sa high school, dapat harapin nila ang kauna-unahang mahalagang isyu sa kanilang buhay: ang Entrance Examination for College. Bilang pagsisimula ng pagiging adults, ang unibersidad ay napakahalaga para sa isang tao, at bilang isang guro, dapat igarantiya ni Mr Miao na bawat estudyante niya ay gumawa ng tamang pagpili. Para sa isang guro, mahirap na tungkulin ito talaga.
Pero, dahil mahusay si Mr Miao, alam niya rin kung paanong makitungo sa mga bata. Sa unang araw ng semester, nagbigay siya ng maliit na parusa sa ilang mischievous na bata: ang little fatty na kumain ng snacks sa classroom; ang batang babae na may lipstick; ang thin boy na lihim na itinago ang book of cartoon sa likod ng textbook… at iba pa. Pero, sa pagitan ng lahat ng mischievous na bata, may iisang espesyal na batang lalaki: ang parusa mula sa guro ay hindi tumatakot sa kanya, sa halip nito, naging interes nito ang paglaban sa kanyang guro. Ang pangalan ng batang lalaking ito ay si Luo Xiaoyi.
Pagkatapos ng malaman malupit na paraan ng Mr Miao, naging obedient ng karamihan sa mga bata. Pero obviously, hindi tulad nito si Xiaoyi. Bilang paghihiganti, plinano niyang lihim na sirain ang bike ni Mr Miao——noong 1988, para sa isang normal na guro sa maliit na nayon, karangyaan ang magkaroon ng isang bike.
Habang sinisira ni Xiaoyi ang bike ni Mr Miao, ang kanyang guro ay kasalukyang pupunta sa tahanan ni Xiaoyi. Sa loob ng 20 taon, nakita ni Mr Miao ang maraming mischievous na estudyante, pero ngayon lang niya nakita ang pinakamasamang home environment ni Xiaoyi, at alam niya na siguro maaaring hanapin ang totoong dahilan nito mula sa bahay ng batang lalaki. As expected, nang lumabas sa bahay ni Xiaoyi, hindi nakita ni Mr Miao ang magulang niya, sa halip isang matandang lalaki. Siya ang lolo ni Xiaoyi. Ang kapuwang tatay at ina ni Xiaoyi ay sundalo, at namatay sila sa habang nagsasagawa ng isang misyon ilang taon na ang nakaraan. Kaya, kasama na lang ni Xiaoyi ang kanyang grandpa, at ang grandpa ang tanging blood relative niya sa daigdig na ito.
Pagkatapos ng pagbisita sa bahay ni Xiaoyi, ipinasiya ni Mr Miao na kausapin si Xiaoyi. Gusto niyang sila ay maging hindi lamang maging guro at estudyante, kundi maging kaibigan, at isang elder sa isang bata. Bumalik siya sa paaralan, pero, hindi niya makita si Xiaoyi. Sa oras na ito, ipinaalam sa kanyang ng ibang estudyante na: nakipag away si Xiaoyi sa mga batang lalaki, at malubhang nasugatan.
Agarang hinanap ni Mr Miao si Xiaoyi. Gusto niyang gamitin ang kanyang bike, pero natuklasang sira ito. Walang oras para isipin kung bakit nasira ito at kung sino ang may kagagawan nito, tumakbo nang tumakbo si Mr Miao sa mga daan ng maliit na nayon para hanapin ang kanyang estudyante.
Sa bandang huli, sa isang alley, nahanap ni Mr Miao si Xiaoyu, duguan.
Dinala ni Mr Miao si Xiaoyi sa ospital, at inalagaan siya habang nagpapagaling. Nagluto siya ng pagkain, nagsulat ng nilalaman ng bawat kurso, tulad ng isang guro, at isang tatay. Sinabi ni Mr Miao kay Xiaoyi na huwag sabihin ang insidenteng ito sa kanyang lolo para hindi mag-alala.
Pagkatapos ng ilang sandali ng pananahimik, nagtanong si Xiaoyi kay Mr. Miao: Bkait ang bait mo sa akin?
Sa halip nang pagsaggot sa tanong na ito nang diretsahan, nagbahagi si Mr. Miao ng isang kuwento: 20 taong nakaraan, isang batang lalaki mula sa mahirap na pamiliya, nagsisikap siya sa paaralan dahil gustong niyang makuha ang mataas na score sa National College Entrance Examination, para mag-aral siya sa top university, tapos, magiging mas malaki ang posibilidad niya na mahanap ang mabuting trabaho at makuha ang mas maraming pera, at magbabago ang kanyang mahirap na destiny. Pero, sa araw ng eksam, gumawa siya ng kamalian, at nakuha ang mababang score lang. Nagkasakit sakit at grabe ang kalungkutan niya, at hindi niya alam kung ano ang dapat gawin sa hinaharap. Sa oras na ito, sabi sa kanya ang kanyang guro na gusto mo bang maging isang guro? Kahit na napalampas mo ang pagkakataong ito, kung magiging isang guro ka, mayroong kang maraming pagkakataon na tulungan ang mas maraming kabataan na samantalahin ang kanilang pagkakataon at baguhin ang kanilang buhay. Ang mga sinabi ng guro ay tulad ng ilaw na nagbigay ng liwanag sa kadaliman, na nagdulot ng pagasa sa batang lalaking ito. Pagkatapos, naging malinaw ang balak sa buhay at naging isang guro siya.
Naunawaan ni Xiaoyi na ito ang sariling kuwento ni Mr Miao, siya ang batang lalaki na nawalang ng pagkakataon noon. Pero bumangon at ngayon, bilang isang guro, buong sikap na tinutulungan ang bawat estudyante.
Sa bandang huli, sabi ni Mr Miao kay Xiaoyi na kung buhay ang tatay niya, gusto niyang makita na maging isang mabuting batang lalaki, hindi isang masamang bata na nakikipag -away sa ibang tao si Xiaoyi.
Umiyak si Xiaoyi. Datapuwa't hindi nagsasalita , sa kanyang puso, ramdam niya ang pagkalinga at pagmamahal na nawala nang mawala ang kanyang mga magulang.
Isang buwang nakalipas, naging malusog si Xiaoyi, lumbas siya ng ospital at umuwi sa paaralan. Unang una, lihim na hinanap niya ang sirang bisikleta at inayos ito . Ibinalik niya ang bike kay Mr Miao, inaming siya ang maysala . At sabi niya sa kanyang guro na: Ito ay pinakahuling masamang bagay na ginawa ko. Mula ngayon, magsisikap ako, at siguro, magiging isang guro rin ako isang araw.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |