Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Chun Jie: Taon ng Daga 2020 Ikalawang Bahagi

(GMT+08:00) 2020-01-22 11:07:07       CRI

Welkam po sa ikalawang episode ng aming Chun Jie Specials.

Noong nakaraang episode, inihain po namin sa inyo ang mahabang kasaysayan ng relasyong pangkaibigan ng Pilipinas at Tsina na nagsimula pa noong panahon ng Dinastiyang Song (960AD- 1279AD).

Ayon sa pananaliksik ni Wang Zhenping na pinamagatang "Reading Song-Ming Records on the Pre-colonial History of the Philippines," nagsimula ang relasyon ng Pilipinas at Tsina sa pamamagitan ng kalakalan.

Ayon sa nasabing pananaliksik, kapag dumarating ang mga barkong pangalakal ng Tsina sa Mayi (posibleng Mait ng Mindoro, o Bai ng Laguna) pinapayagan sila ng Pilipinong datu, na bumaba sa kanilang mga barko at makihalubilo sa mga lokal na mamamayan.

Ang paraan ng pangangalakal sa Mayi ay walang katulad, dahil ito ay nakabase sa mutuwal na tiwala, at hindi sa purong benepisyo lamang, anang nasabing pananaliksik.

Anang pananaliksik, pupunta ang mga Pilipino sa mga barkong Tsino at kukuhanin nila ang mga produkto, nang walang kolateral, o anumang seguro ng kapalit: ito ang kaparaanan ng sinaunang pagkakaibigan ng mga Pilipino at Tsino.

Sa panahong ito, walang anumang produkto ang mawawala o mananakaw.

Matapos ito, tutungo na sa ibat-ibang isla ang mga mangangalakal na Pilipino upang ipagpalit ang mga produktong Tsino na kanilang nakuha, at matapos ang ilang linggo o buwan, babalik sila sa mga barkong Tsino upang ibigay ang mga kapalit at makipagnegosasyon sa kita ng kanilang mga aktibidad.

Iyan ang klase ng pagtitiwalaan at pagkakaibigang binuo ng ating mga ninuno, mga libong taon na ang nakalipas.

Sa pamamagitan ng kanilang pagkakaibigan, maraming kaugalian at kultura ang naibahagi ng kapuwa panig sa isat-isa, kasama na siyempre riyan ang pagdiriwang ng Chun Jie.

Ang Chun Jie ay isa na ngayong mahalagang bahagi ng kulturang Pilipino sa episode na ito, hain naman po namin ang mga impormasyon tungkol sa mga kagawiang Tsino kapag Chun Jie, ano ang kanilang mga ginagawa at paniniwala, at marami pang iba.

Tulad ng sinabi natin noong nakaraan, ang Pestibal ng Tagsibol/Chinese New Year o Chun Jie ay ang unang araw sa Kalendaryong Tsino, at ito ang pinaka-importanteng araw o pagdiriwang para ng Nasyong Tsino.

Kapag Chinese New Year sa Pilipinas, kadalasang makikita ang mga parada sa China Town, mga lion dance, paputok at ibat-ibang palabas; at siyempre, hindi mawawala ang tikoy at hopya.

 

Paputok sa Chun Jie

Pero, rito sa Mainland Tsina, lalo na sa bandang hilagang Tsina, iba po ang kagawian.

Sa ika-24 na araw ng huling lunar na buwan, naglilinis ng bahay at kapaligiran ang mga Tsino. Ito'y simbolo ng pagwawaksi ng mga di-kanais-nais, at paghahanda sa pagpasok ng bagong taon.

Sa ika-26 at ika-27 araw ng lunar na buwan, namimili o nag-sha-shopping ang mga Tsino, bilang paghahanda sa mga bisita.

Ang masaganang hapag-kainan ay simbolo ng suwerte sa pagpasok ng bagong taon.

Kagaya ng nasabi natin, ang huling araw ng lunar na buwan ay ang bisperas ng Chun Jie.

Sa gabi ng araw na ito, nagsasalu-salo sa hapunan ang buong pamilya, nanonood ng maringal na Spring Festival Gala sa CCTV, at pinapanood ang mga paputok.

CCTV Evening Gala

Samantala, ang kinabukasan ay ang unang araw ng unang lunar na buwan, at ito ay panahon ng pagkain ng dumpling, pagbisita sa bahay ng mga kamag-anak, pagbibigay ng regalo sa mga bata (hong bao) at pamamasyal.

 

Hong Bao

Sa ikalawang araw ng unang lunar na buwan, nagninilay at bumibisita sa mga templo ang mga Tsino.

Sa panahong ito, ang mga may-asawang anak na babae ay dumadalaw sa kanilang mga magulang.

Ang ika-15 araw ng unang lunar na buwan ay ang pagdiriwang ng Pestibal ng mga Parol o Lantern Festival.

Ito ang huling araw ng Panahon ng Chun Jie.

Sa araw na ito, kumakain din ng palitaw o yuan xiao ang mga Tsino at pinapanood ang mga napakagandang inilawang parol o Deng Long.

 

Yuanxiao

Deng Long

Ang Deng Long ay ang tradisyonal na kagamitang pang-ilaw ng Tsina, na kumakatawan sa kahalagahan at kaligayahan.

Ang Deng Long ay maihahalintulad sa ating mga parol sa Pilipinas, ngunit may kakaibang hugis at disenyo.

Ang tradisyonal na Deng Long ay nababalutan ng manipis na papel at may nakasinding kandila sa loob.

Tumatagos ang sinag ng kandila mula sa manipis na papel, kaya, ito'y nagbibigay-liwanag, na simbolo rin ng panibagong bukas.

May ibat-ibang disenyo ang Deng Long.

Ang mga ito ay pinipintahan ng magaganda at masusuwerteng kulay.

Sinisindihan ng mga Tsino ang ilang Deng Long bilang simbolo ng kaligayahan at suwerte sa ika-15 araw ng unang lunar na buwan. Pinapanood din nila ang mga palabas ng Deng Long kasama ang pamilya tuwing Pestibal ng Parol.

Ito'y simbolo ng pagsasama-sama ng pamilya.

 

May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6392061806XX: Pagdalaw ni Dalai sa Taiwan hindi makakatulong sa pagkakaisa ng Taiwan at mainland. Dapat lumayo siya rito.
More>>