|
|
|||||||
| |
||||||||
|
||
Sinabi ngayong araw sa Phnom Penh, ni Hor Namhong, Ministrong Panlabas ng Cambodia, na ang isyu ng South China Sea ay hidwaan sa pagitan ng Tsina at iilang may kilamang bansa ng ASEAN. Umaasa aniya siyang malulutas ang isyung ito ng mga may kinalamang bansa mismo.

Sa news briefing pagkatapos ng ika-45 pulong ng mga ministrong panlabas ng ASEAN, sinabi ni Hor na bilang tagapangulong bansa ng ASEAN, buong sikap na isinasagawa ng Cambodia ang pagkikipagkoorinahan sa pagitan ng mga bansa na may kinalaman sa nabanggit na isyu.
Kaugnay ng isyu ng hindi pagbalangkas ng magkakasanib na pahayag ng pulong na ito, sinabi ni Hor na ito ayg dahil pilit na pinalalawak ng iilang kasaping bansa ng ASEAN ang isyu ng South China Sea.
Sinabi pa niya na matatag na tinututulan ng kanyang bansa ang ganitong aksyon at ikinalulungkot niya ang resultang ito.
| © China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |