Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Tianfu Software Park: Alay ng Chengdu sa Kinabukasan ng Tsina

(GMT+08:00) 2011-09-23 15:21:33       CRI





Nang ako ay dumalaw sa Chengdu, hindi ko akalain na ang lugar na nakilala sa pagpepreserba ng kultura ng Tsina ay siya ding isa sa mga lugar na inuusbungan ng hinaharap ng parehong bansa.

Ako sa harap ng opisina ng Tianfu Software Park

Nasabi ko ito dahil sa pagkakatayo ng Tianfu Software Park sa Tianfu New City na makikita sa loob ng Chengdu High-tech Zone.

Isa sa mga kompanya na namuhunan sa Tianfu Software Park, ang Alcatel

Ang Tianfu Software Park ay isang pasilidad na unti-unti nang nakikila ng mga dayuhang kompanya bilang isang lugar kung saan magandang mamuhunan.

Ilan sa mga kompanya na namuhanan na doon ay ang IBM, Accenture, Alcatel-Luncent, Nokia-Siemens, Symantec, Myriad, GE, at DHL.

Ang mga opisyales ng Tinafu Softaware Park habang nagpapaliwanag kung ano ang kanilang mithiin para sa kanilang kompanya at sa Chengdu

Ayon kay Victor Jansson na bise presidente ng marketing ng Tianfu Software Park, sa kasalukuyan ay isa sa bawat dalawang laptop sa mundo ay may chip na gawa sa Chengdu.

Sabi rin niya ay sa katapusan ng taon ay inaasahan nila na 80 porsyento ng produktong Amerikano na iPad ng Apple ay sa Chengdu na rin gagawin.

Ayon kay Jansson, na-eengganyo ang mga dayuhan na mamuhunan sa Chengdu sapagkat marami silang inaalok na kapalit para dito.

Isa sa mga ito, ani niya, ay ang pagpapataw ng mas mababang buwis at libreng renta sa kanilang mga opisina sa unang taon nila doon. Ipinagmamalaki din umano nila ang libo-libong mga estudyante na nagtatapos sa mga unibersidad sa Chengdu na may mga kwalipikasyon sa IT.

Habang nagaganap ang press conference hinggil sa Tianfu Software Park

Sabi ni Christine Du na presidente ng Tianfu Software Park, mayroon na silang mahigit sa 30,000 na empleyado sa Tianfu Software Park, na nais nilang umabot ng 100,000 sa loob ng lima o anim pang taon.

At kahit na kilala ang Tsina sa pagiging strikto sa pagpapatupad ng mga regulasyon sa internet, sabi ni Thomas Tang na direktor ng Bureau Development Consulting Chengdu National High-Tech Zone na bukas na bukas pa rin sila sa mga kompanyang nag-aalok at gumagawa ng mga produktong may kinalaman sa internet.

Ang modelo ng plano para sa Tianfu New City

Sa kabilang banda, inamin ni Jansson na hindi talaga kumikita ang Software Park dahil malaki ang ginagasta nila para sa mga pasilidad na kanilang ipinagmamalaki. Ngunit diniin din niya na mas mahalaga sa lokal na pamahalaan ng Chengdu na makapagpasok ng mga mamumuhunan sa Tsina, para na rin sa kinabukasan ng Chengdu at ng kanilang nasabing bansa.

Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>