Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Ang berdeng lungsod: Nanjing

(GMT+08:00) 2011-09-26 14:51:11       CRI





Noong ako ay pumuntang Nanjing, hindi ko alam kung ano ang dapat asahan sa lungsod na iyon na kilala bilang isa sa mga pinakamagagandang lugar sa Tsina.

Ang Sun Yat Sen Mausoleum na napapalibutan ng berdeng kapaligiran

At noong ako nga ay dumating na sa Nanjing, ang una kong napansin ay ang berdeng paligid. Mapapansin agad na ang mga kalye nito ay pinapaligiran ng mga puro puno at ano pang halaman, sobrang sariwa din ng hangin.

Ang Musical Performance Theater sa Sun Yat Sen Mausoleum scenic spot

Ang Musical Performance Terrace halimbawa, ay pinapalibutan nang malalagong halaman, puno, at bulaklak. Ito rin ay pinamamahayaan ng maraming kalapati. Ganun din ang mapapansin sa Xiaoling Tomb at Dr. Sun Yat-Sen's Mausoleum.

Ang paliwanag ng bise mayor ng Nanjing na si Chen Gang ay magmula pa noong unang panahon ay biniyayaan na talaga ang Nanjing ng berdeng kapaligiran.

Ang mga opisyales ng Nanjing, kasama si bise mayor Chen Gang, habang nagpapaliwanag tungkol sa kanilang mga layunin para sa kanilang lungsod

Ngunit sinabi rin niya na nagsasagawa din sila ng mga proyekto upang makilala na talaga ang kanilang siyudad bilang isang berdeng lungsod.

Para makamit ito, pinaliwanag niya na sinadya nilang dinamihan ang mga pampublikong parke. Sinabi rin niya na mahalaga talaga para sa mga mamamayan ng Nanjing ang kapaligiran nila kaya't sila mismo ay tumutulong sa pagpapaganda nito.

Sa katunayan, ani niya, ay natanggal na ang Nanjing mula sa tatlong pinakamaiinit na lungsod sa Tsina, na maaari na rin dahil sa pagdami ng mga puno sa lugar.





Si Mr. Jin, deputy director ng Nanjing Tourism Administrator, habang tinatanong mga mamamahayag tungkol sa turismo sa kanilang lungsod

Ayon sa deputy director ng tourism administration ng Nanjing na si Mr Jin Weidong nakahalina na sila ng nasa animnaput limang milyong lokal na turista at mahigit sa isang milyong dayuhang turista.

Ayon din sa kanya, ang mga turista ay nahahalina sa kanilang mahigit na 100 scenic spots, na mahigit sa animnapung porsyento ay libre at bukas sa publiko.

Ang mga turista at lokal na mamamayan ay maaari ring makakita ng maraming kalapati sa Musical Performance Terrace

At bagamat ipinagmalaki ng bise mayor na si Chen Gang ang kanilang mga nagawa at nagagawa para sa kanilang kapaligiran, sinabi rin niya na nais pa rin nilang matuto sa mga ibang lugar na may parehong mithiin sa kanila.

Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>