Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Gabi ng Musika ika-8 2012

(GMT+08:00) 2012-02-24 17:26:39       CRI

February 19, 2012 (Sunday)

Kumusta na? Okey lang ba kayo diyan? Ngayon ay araw ng Linggo. Sana, sa inyong pakikinig ng Misa, isinama rin ninyo sa inyong mga panalangin si Whitney Houston, na ang libing ay naka-iskedyul ngayong araw…

Let's prayer together for Ms. Whitney

Si Whitney ay natagpuang patay sa kanyang hotel room sa Los Angeles isang araw bago ang 2012 Grammy Awards night. Ang tinaguriang soul diva ay hindi makakalimutan ng kanyang fans dahil sa alaala ng kanyang mga kantang inawit sa istilong Gospel, resonanteng boses at mataas na tono. Bago siya nawala sa limelight, siya ay kilala bilang isang "performer with a perfect voice and a perfect image." Si Whitney ay namatay sa gulang na 48. Napakabata pa para mawala sa mundo. May she rest in peace.

Paputok: Dapat bang ipagbawal o hindi?

Bigyang-daan natin ang e-mail ni Virgie Umali ng C.M. Recto, Sta. Cruz, Manila. Sabi niya: "Hi, Kuya Ramon! Kumusta ang lagay ng inyong pangangatawan? Sana okey naman. Ikaw na rin ang may sabi na health is wealth at bawal magkasakit, kaya dapat ingatan mo ang iyong sarili para mas lalo mo pa kaming mapagsilbihan. Ayaw na ayaw naming marinig ang balitang meron kang dinaramdam. Last time, pinag-usapan ninyo ang hinggil sa firecrackers. Kung ako lang ang masusunod, buong higpit kong ipagbabawal ang paputok at ipapasara kong lahat ang pagawaan ng paputok. Dapat humanap na sila ng ibang ikabubuhay. Sinundan ko ang mga balita niyo na may kinalaman sa pagdalaw ng inyong vice-President sa America. Naniniwala ako na naging mabunga ang pagdalaw na iyon at ang bunga niyon ay tagos hanggang sa ibang mga bansa na tulad ng Pilipinas. Kung gaganda ang kalakalan ng China at US, siguradong gaganda rin ang kalakalan ng Pilipinas at China at Pilipinas at US. Maganda ang ayos ng inyong website. Lagi ko itong binabasa at napuna ko na marami kayong area na nako-cover. Sana madagdagan ninyo ang oras ng inyong talk shows. Sa tingin ko kulang ang 10 minutes para matalakay ninyo ang isang issue. Habaan pa sana ninyo para lalo naming ma-appreciate. Halos araw-araw akong nakikinig sa inyong radio programs at araw-araw na bumibisita sa filipino.cri.cn. Binabasa ko rin ang mga mensahe ng mga tagapakinig lalo na iyong kanilang mga SMS at e-mail. So far so good naman lagay namin dito. Sana magkaroon pa kayo ng mga bagong gimiks this year. Pipilitin kong makipag-communicate sa inyo as often as I could. Belated happy Valentine's Day and may God bless you.

Salamat sa iyong e-mail, Virgie at salamat din sa iyong patuloy na pakikinig sa aming mga programa at patuloy na pagbisita sa aming website. God bless you rin.

I WILL ALWAYS LOVE YOU

(WHITNEY HOUSTON)

Narinig ninyo ang ginintuang tinig ni Whitney Houston sa awiting may pamagat na "I Will Always Love You." Kung natatandaan pa ninyo, ang awiting iyan ang ginamit na theme song ng pelikulang "Bodyguard."

Tunghayan naman natin ang e-mail ni Lagrimas Ramos ng New Territories, Hong Kong. Sabi ng kanyang sulat: "Dear Kuya RJ, pasensiya na, hindi ako nakabati noong February 14. Binasa ko mga mensahe ng listeners after that day at tuwang tuwa ako sa mga laman. Henyong henyo talaga mga kababayan natin, ano? Mahusay silang mag-isip. May katotohanan iyong definitions nila ng love. Talaga namang maraming hindi nakakaalam kung ano ang pag-ibig. Napakinggan ko rin ang talakayan ninyo hinggil sa paputok. Tama kayo, hindi lamang ang pagpapaputok ng rebentador ang tanging paraan ng pag-e-express ng enjoyment sa New Year. Marami pang ibang paraan na mas safe pa sa rebentador. Salamat nga pala sa Chinese lessons at Cooking Show. Marami na rin akong natutuhang salitang Chinese at putaheng Chinese dahil sa pag-aaral ko sa pamamagitan ng CD na padala ninyo at sa pakikinig sa programang Cooking Show. Ako mismo ang patunay na marami kang mapapala sa pakikinig sa Serbisyo Filipino at pagbisita sa website nito."

Maraming salamat sa iyong e-mail, Lagrimas. Sana magpatuloy ka pa ng pakikinig at pagsulat sa amin.

I'VE GOT A FEELING

(JACKY CHEUNG)

Jacky Cheung at ang kanyang awiting "I've Got a Feeling," na lifted sa album na may pamagat na "Are You Falling in Love?"

Punta naman tayo sa mga SMS.

Sabi ng 917 401 3194: "Hi, Kuya Ramon! Lagi akong nakasubaybay sa Gabi ng Musika, Pag-usapan Natin, Deretsahan at iba pang espesyal ninyong programa. Salamat sa padala ninyong transistor radio."

Sabi naman ng 921 577 9195: "Kuya Ramon, inaabangan namin ang pagbubukas ng NPC at CPPCC sessions. Lagi naming sinusundan ang mga ito noon pa man."

Sabi naman ng 906 834 5157: "Belated Happy Valentine's Day, Kuya Ramon. Hindi ko alam kung paano i-define ang love pero alam ko kung paano umibig nang tapat."

Sabi naman ng 919 426 7176: "Kuya Ramon, para sa akin, love is how you feel it and how you get it. It cannot be measured nor counted."

Salamat sa inyong mga mensaheng SMS.

Para sa inyong mga reaction na may kinalaman sa mga programang ito o sa alinman sa mga programa ng Serbisyo Filipino, ang aming website ay filipino.cri.cn; ang e-mail, filipino_section@yahoo.com; ang facebook, crifilipinoservice@gmail.com; at ang telephone number, (Buddy Smart) 0921 257 2397.

>>> Pasok sa blog ni Kuya Ramon

Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>