Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Shenzhen: Ideya ng pagkabigo, isang hakbang tungo sa tagumpay at inobasyon

2012-07-02 16:03:29    CRI     刘凯   
Isang lunsod sa Timog Tsina ang nagsusulong ngayon ng bagong ideya upang ang mga mamamayan nito ay mas maging mapanlikha at inobatibo.

Ayon sa ulat, ang ideyang "ang pagkabigo ay isa lamang hakbang tungo sa tagumapay" ay sinimulang isulong ng lunsod ng Shenzhen simula noong 2008.

Itinuturing ng lunsod, na ang pagtanggap sa kabiguan ay isang bagong paraan ng pagpapaunlad, dahil sa pamamagitan nito, malalaman ng mga mamamayan ang kanilang kamalian at hanapin ang mas magandang landas ng tagumpay.

Ayon pa sa mga opisyal ng lunsod, sa paraang ito, mas nagiging inklusibo ang mga mamamayan at nagbibigay ito ng mas maraming pagkakataon sa mga tao na subuking isakatuparan ang kani-kanilang mga pangarap.

Noong 2008, itinuring ng United Nations Educational Scientific and Cultural Organization (UNESCO) ang Shenzhen bilang "City of Design."

Ayon sa UNESCO, ang kahusayan ng Shenzhen sa graphic design, industrial design, interaction design, etc. ay mga pangunahing dahilan upang ang Shenzhen ay gawaran ng ganitong titulo.

Ang Shenzhen din ay isang kilalang lunsod sa pagdidisenyo ng alahas sa Tsina. Pitumpung porsiyento ng mga idinisenyong alahas sa bansa ay galing sa Shenzhen.

City Ranking sa CRI
Makipagkontak sa Amin
0086 10 68892540
filipino_section@yahoo.com
www.facebook.com/crifilipino
Media Partner