Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Malikhaing pagkain ng Guangzhou

2012-07-04 14:58:31    CRI     刘凯   
Ang Guangzhou, isang lunsod sa timog Tsina, ay kilalang-kilala dahil sa pagiging malikhain nito sa pagkain.

Ang uri ng pagkain ng Guangzhou ay kabilang sa Cantonese Cuisine, isa sa 8 pangunahing cuisine ng Tsina. Kilala ito sa mga hilaw at bahagyang lutong putahe na gaya ng hilaw na isda at bahagyang lutong manok. Mahilig ding kumain ang mga taga-Guangzhou ng mga kakaiba, eksotik, at kakatuwang pagkain na gaya ng water cockroach at dagang bukid. Ayon sa mga taga-Guangzhou, ang kanilang pagiging bukas at inklusibo ay ilan sa mga dahilan kung bakit gusto nila ang naturang mga pagkain.

Bukod sa pagkain, kilala rin ang Guangzhou sa mga creative industries na kinabibilangan ng animation industry, cultural entertainment industry, cultural tourism industry, clothing design industry, at iba pa. Isa sa mga pinaka-popular na cartoon series ngayon sa Tsina, na may pamagat na "Pleasant Goat and Grey Wolf" ang ginawa sa Guangzhou.

Salin: Liu Kai

City Ranking sa CRI
Makipagkontak sa Amin
0086 10 68892540
filipino_section@yahoo.com
www.facebook.com/crifilipino
Media Partner