|
||||||||
|
||
Ang naturang aktibidad ay itinaguyod ng CRI para maipakita sa buong daigdig ang bagong imahe ng mga lunsod ng Tsina. Ang voting page ay inilabas sa mga website ng 26 na language services ng CRI. At sa pamamagitan ng message board, nagpahayag ang mga netizens ng kani-kanilang impresyon sa iba't ibang kandidatong lunsod.
Sa naturang 10 lunsod, nangunguna ang Shenzhen, lunsod sa timog Tsina, sa pamamagitan ng 115448 boto. Sa gayon, ito ay naging pinakamalikhaing lunsod ng Tsina.
Idaraos sa huling dako ng darating na Oktubre ng taong ito sa Beijing ang seremonya ng paggawad ng gantimpala ng aktibidad na ito.
Salin: Liu Kai
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |