Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Inobasyon at pagbubukas ng Chengdu, nag-iwan ng impresyon sa mga dayuhang mamamahayag

2012-08-27 16:06:06    CRI     刘凯   

Grupo ng mga dayuhang mamamahayag

Bilang bahagi ng aktibidad na "2012 Chinese City Rankings" ng China Radio International, pumunta kamakailan sa Chengdu, lunsod sa timog kanlurang Tsina, ang isang grupo ng mga dayuhang mamamahayag, para bumisita sa mga malikhaing lugar ng lunsod na ito.

Li Chuan, opisyal ng pamahalaan ng Chengdu na namamahala sa pamamahayag

Sa panahon ng pagbisita, isinalaysay sa mga dayuhang mamamahayag ni Li Chuan, opisyal ng pamahalaan ng Chengdu na namamahala sa pamamahayag, ang kalagayan ng pagpapaunlad ng kanyang lunsod ng creative industry na pangkultural at panteknolohiya. Dagdag pa niya, pauunlarin, pangunahin na, ng Chengdu ang media industry, cultural entertainment industry, cultural exposition, creative design, at iba pa.

Fan Jianping, Presidente ng CRI Online

Ipinahayag naman ni Fan Jianping, Presidente ng CRI Online, na ang magandang ginawa ng Chengdu sa inobasyon at pagbubukas ay nag-iwan ng malalimang impresyon sa mga dayuhang mamamahayag. Ito ay ika-2 beses na pagpasok ng Chengdu sa Chinese City Rankings. Ani Fan, ito ay nagpapakita hindi lamang ng tagumpay ng Chengdu sa pagpapaunlad ng turismo, kultura, inobasyon, at iba pa, kundi rin ng natamong bunga nito sa pagbubukas sa labas.

Pagkatapos ng Chengdu, bibisita rin ang naturang grupo sa Shenzhen, lunsod sa timog Tsina.

City Ranking sa CRI
Makipagkontak sa Amin
0086 10 68892540
filipino_section@yahoo.com
www.facebook.com/crifilipino
Media Partner