Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Seremonya ng paggagawad ng gantimpala ng "2012 Chinese City Rankings," idinaos

2012-12-12 16:06:21    CRI     刘凯   
Sa pagtataguyod ng China Radio International, idinaos ngayong araw sa Beijing ang seremonya ng paggagawad ng gantimpala ng "2012 Chinese City Rankings." Sa pamamagitan ng botohan ng mga netizen mula sa buong daigdig, ginawaran ng taguring "pinakamalikhaing lunsod ng Tsina" ang Beijing, Shanghai, Puer, Chengdu, Guangzhou, Shenzhen, Suzhou, Jiujiang, Wuxi at Yinchuan.

Lumahok sa seremonya ang mga personahe mula sa Tanggapang Pang-impormasyon ng Konseho ng Estado ng Tsina, Ministri ng Kultura ng Tsina, Ministri ng Siyensiya at Teknolohiya ng Tsina, at Pambansang Kawanihan ng Turismo ng Tsina. Ang mga kalahok ay kinabibilangan din ng mga kinatawan ng naturang mga lunsod, mga diplomatang dayuhan sa Tsina, at mga mamamahayag na Tsino at dayuhan.

Sa kanyang talumpati sa seremonya, sinabi ni Wang Gengnian, Director General ng CRI, na ang taong ito ay ika-3 taong pagtataguyod ng CRI ng "Chinese City Rankings," at ang tema sa taong ito na "pinakamalikhang lunsod" ay angkop sa kasalukuyang tunguhin ng Tsina. Aniya pa, ang pagbibigay-pansin ng maraming netizens sa aktibidad sa taong ito ay nagpapakita ng atraksyon ng diwa sa inobasyon ng mga lunsod na Tsino.

Bukod sa seremonya ng paggagawad ng gantimpala, idinaos din nang araw ding iyon ang isang summit ng mga pinakamalikhaing lunsod ng Tsina. Isinalaysay sa summit ng mga kinatawan ng Jiujiang at Shenzhen ang mga karanasan ng kani-kanilang lunsod sa aspekto ng inobasyon.

Sa seremonyang ito, isinapubliko din ang tema ng "2013 Chinese City Rankings." Sa susunod na taon, pipiliin ang mga "pinaka-ekolohikal na lunsod ng Tsina", para makatawag ng pansin sa sibilisasyong ekolohikal ng Tsina.

City Ranking sa CRI
Makipagkontak sa Amin
0086 10 68892540
filipino_section@yahoo.com
www.facebook.com/crifilipino
Media Partner