Templong Konpusiyano ni Confucius
中国国际广播电台

Nasa kalagitnaan ng lalawigang Shandong ang Qufu, minsa'y nagging kabisera ito ng Estadong Lu noong panahon ng mga Nagdidigmaang Estado (Warring States) ng Spring and Autumn Period at bayang sinilangan ni Confucius: dakilang thinker, estadista, edukador at tagapanguna ng Confucianism sa kasaysayan ng Tsina noong huling dako ng Spring and Autumn Period (551-419 BC). Sumulat sila ng mga aklat at nag-lektyur sa Qufu. Napatanyag sa mundo ang Qufu dahil may mahigpit itong kaugnayan sa pangalan ni Confucius. Si Confucius ay isa sa mga pinakadakilang pilosopo sa daigdig at tagapanguna ng Confucianism ng Tsina. Sa loob ng mahigit 2000 taon ng kasaysayan ng Tsina, unti-unting naging naging tradisyonal na kultura ng Tsina ang kulturang konpusiyano, naimpluwensiyahan nito ang iba't ibang bansa sa silangang Asya at Timog Silangang Asya at naging batayan ng buong kulturang silanganin.

Tinatawag na 3 kong ang Kongfu, Kong Miao at Kong Lin sa Qufu. Alalaon baga'y ang tahanan, templo at libingan ni Confucius. Sagisag ito ng paggunita kay Confucius at pagpapahalaga sa Konpusiyano sa nakaraang panahon ng Tsina. Napabantog ioto dahil sa masaganang latak ng kultura, mahabang kasaysayan, malawak ng saklaw at masaganang kabang-yaman ng relikiya at kahalagahan sa siyensiya at sining. Dahil sa tampok na kalagayan ng Qufu sa kkasaysayan ng Tsina at sa kulturang silanganin ng daigdig, kaya pinarangalan itong isa sa tatlong banal na lugar sa daigdig.

Napabantog sa daigdig ang 3 kong sa Qufu. Ang Templong Konpusyano na lugar ng pagsamba kay Confucius ay itinayo noong 478 BC. Maliit lamang noon ang saklaw ng templo na ang dating tirahan ni Confucius ang ginawang templo, dito nagsasamba ang mga tao taun-taon. Pagkaraan ng Dinastiyan ng Kanlurang Han, habang tumataas ang pamimitagan kay Confucius ng mga emperador ng mga nangakaraang dinastiya, pinalaki ang saklaw ng Templong Konpusyano. Naging malaki ang saklaw ng Kongfu o tahanan ni Confucius. Sa katunayan, hindiiyon tahanan ni Confucius, manapa'y tirahan o opisina ng mga inaapo ni Confucius. Ang Konglin o Sementeryong Konpusiyano ay libingan ni Confucius at ng kanyang angkan. Sumasaklaw iyon ng 200 ektaryang lupain. Sapagkat tinamnan ng maraming puno kaya tinawag na Konglin, ibig sabihin ay Kagubatang Kong. 

Nakaluklok sa pusod ng lunsod Qufu ang Kongmiao o Templong Konpusiyano. Malaki ang saklaw nito, maringal, maluningning at nagtataglay ng kulay ng arkitekturang silanganin.

Dito sinasamba ng mga emperador ng nangakaraang dinastiya si Confucius. Pinakamalaki itong lugar ng pagsamba kay Confucius. Nang sumunod na taon, pagkamatay ni Confucius, 478 BC, ang dating tirahan ni Confucius ay ginawang templong confusiyano ni Luyuangong, mula noon, pataas nang pataas ang pimimitagan kay Confucius ng mga emperador ng mga nangakaraang dinastiya, muling inayos at pinalaki ang templo, hanggang noong Dinastiyang Qing. Nagbaba ng kautusan si Emperador Yongzheng, na puspusang ayusin at palakihin ang templo sa pagiging makabago. Ginaya sa estilong palasyo ang arkitektura ng templo sa kasalukuyan. Sumasaklaw iyon ng 3.275 ektariyang lupain. May 9 na bakuran sa loob ng templo mula timog pahilaga, nahahati sa tatlong distrito ang templo. Alalaon baga'y ang distrito sa gawing kanan, kawing kaliwa at sa gitnang bahagi, 630 metro ang haba, at 140 metro ang lapad,may mahigit 460 iba't ibang klase ng nsilid, 54 tarangkahan at 13 imperyal na pabilyon. Nasa gitnang axis ang tatlong pangunahing bulwagan. Proporsyonado ang arkitektura sa gawing kaliwa't kanan. Napapaligiran ng pulang pader ang templo. Ang unang tatlong bakuran ay napapalamutihan ng arkitekturang pampatnubay gaya ng mga pintuan, o balantok. Sa ika-4 na bakuran ay may isang kuwartong nasa pagitan ng kisame at bubungan na tinatawag na Kuiwenge. May tatlong pasimano ito. May nakatagong ritong mga librong ibinigay ng mga emperador. May mahigit 2100 lapida at lilok na bato na nakadisplay sa Shengjidian Hall, Pabilyong Shishanbei at sa dalawang maliit na bahay sa gawing silangan at kanluran ng Dachendian Hall. Higit sa lahat,ang nakatagong lapida ng Dinastiyang Han ang siyang pinakamarami sa bilang sa buong bansa. May mahahalagang lapida ng iba't ibang dinastiya, ang bilang ng mga lapida dito'y kasunod lamang ng mga lapida sa Beilin sa Xi'an. Kaya tinatawag itong ika-2 Beiling sa Tsina. Ang ibig sabihin ng Beilin ay may maraming lapida. 

Ang Dachendian Hall ang siyang main hall ng Kong Miao o templong Konpusyano. At siya ring pinakapusod ng Kongmiao. Tinatawag itong Wenxuanwangdian Hall noong Dinastiyang Tang. May 5 silid ito. Noong panahon ni Tianxi ng Dinatiyang Song (102 AD), puspusang inayos muli iyon at ginawang 7 silid at inilipat sa lugar na kinaruruunan ngayon. Noong panahon ni Chongning ng Dinastiyang Song, 1140 AD, sinipi ni Zhao Ji sa aklat na "Mencius" ang pakahulugang ayon kay Confucius ay nangangahulugang Dacheng o malaking tagumpay, kaya pinalitan ang pangalan at tinawag na Dachengdain Hall. Muling itinayo iyon noong panahon ni Emperador Yongzhen ng dinastiyang Qing (l724 AD) May 9 na palupo at dobleng pasamano. Tinakpan ng dilaw na tisa ang bubungan, inukitan ang mga haligi. Pinalamutihan ng mga ginintuang dragon at mga larawang imperyal ang kisame. Ang tablang nasa gitna ng dobleng pasamano ay inukitan ng tatlong ginintuang titik "Da Cheng Dian" na sulat kamay ni Emperador Yongzheng ng Dinastiyang Qing. 31.89 metro ang taas ng Dachengdain Hall, 54 metro ang lapad at 34 metro ang haba mula pintuan hanggang sa kaloob-looban. Nakatayo iyon sa isang pundasyong may 2.1 metro ang taas na siyang pinakamataas na lugar sa buong templo. Isa rin ito sa tatlong malaking bulwagan ng sinaunang panahon ng Tsina. May 28 batong haligi sa pasilyo ng Dachengdian Hall. Bawat haligi ay yari sa isang buong bato. Ang unang 10 batong haligi ay inukitan ng tig-paris na sumasayaw na dragon,inukitan pa ito ng ulap, bato at alon ng tubig napakaganda ng debuho, talagang pambihira itong kayamanang pansining. hindi pa nakasasaksi ng ganoong batong haligi sa konstruksyon ng mga palasyo. Hindi maihahalintulad dito kahit na ang mga batong haliging inukitan ng dragon sa Forbidden City. Sinasabing tuwing pupunta doon ang emperador para magsamba binabalutan ng pulang sutla ang mga haliging inukitan ng dragon,para hindi matuklasan ng emperador at para maiwasang pugutan ng ulo. May rebolto ni Confucius sa gitna ng Dachengdian Hall Sa magkabilang panig nito'y may 4 na paris ng rebolto at mga rebolto ng l2 pantas. Sa maliit na silid sa gawing kanluran at silangan sa harapan ng bulwagan,dati'y may mga rebolto ng mga mag-aaral ni Confucius at paham na konpusyano, sa ngayon ay naging exhibition Hall at may nakadisplay na lapida ng nangakaraang dinastiya. At naging makasining na kabang-yaman ng mga kaligrapiya, pagguhit at paglilok. Sa Shengjidian Hall sa likuran ng silid tulugan ,may nakadisplay na l20 picture-story-painting na nakaukit sa bato na katha noong dinastiyang Ming. Nagsasalaysay ito ng mga nagawa ni Confucius. Nang magsunog ng mga libro at maglibing ng mga buhay na eskular si Qinshihuang, ang mga aklat na kinabibilangan ng Shangshu (mataas na opisyal noong unang panahon ng Tsina) at ang Aklat na "Liji" (Aklat ng Seremonya) at iba pang aklat ay itinago ng inaapo ng ika-9 na henerasyon ni Confucius na si Kongfu sa sulok ng pader na tinatawag na Lubi sa likuran ng balon sa dating tirahan ni Confucius, Sadyang inayos ang Lubi upang gunitain ang mga nagawa ni Kongfu sa pangangalaga sa sinaunang kultura. 

Ang pangalan ng pabilyong Kuiwenge ay nanggaling sa isa sa 28 constellation. May mga libro doon. Dati'y nakatago doon ang mga librong dulot kay Confucius ng mga emperador. Sa gawing silangan ng pasilyo, ay may lapidang naglalarawan sa pabilyong Kuiwenge na sulat kamay ni Lidongyang. Awing kanluran ay may lapidang nasusulatan ng "Talaan ng paglalagay muli ng mga libro sa Kuiwenge". Nawala na ang karamihan sa mga libro doon dahil sa nangakaraang digmaan. Nasa gawing silangan at kanluran sa harapan ng Dachengmen ang Pabilyong Shishanbeiting. May 55 iba't ibang klase ng imperyal na lapida doon na iniwan ng mga dinastiyang Tang, Song, Yuan, Ming at Qing. Lubos na ipinakikita niyon ang matayog na katayuan ni Confucius sa piyudal na lipinan.

Ang Kongfu ay tahanan ng mga kamag-anak at inaapo ni Confucius. Malaking palasyo iyon na kasunod lamang ng palasyo ng mga Dinastiyang Ming at Qing.

Dahil pinagkalooban ni Renzhong ni Dinastiyang Song ang ika-46 na henerasyong inaapo ni Confucius ng titulong Yanshenggong, kaya tinawag na Yanshenggong Mansion ang tirahan ng pamilyang Kong. Itinayo noong Dinastiyang Song ang Kongfu o tahanan ng pamilyang Kong. Pinalaki nang pinalaki ng mga sumunod na dinastiya at naging katulad ng sa ngayon. Nasa gawing silangan ito ng Kongmiao o Templong Konpusiyano. Nakaharap sa timog at sumasaklaw ng 2.4 ektaryang lupain. May 463 iba'tibang klase ng arkitektura, nahahati ito sa 3 distrito.ang gitnang distrito,, silangang distrito at kanlurang distrito. Isa itong malaking architectural complex na kinaruruunan ng tanggapan at tahanan ng mga piyudal na opisyal. Nasa silangang distrito ang Kongmiao o Templong Konpusiyano. Nasa kanlurang distrito ang instituto at nasa gitnang distrito ang pangunahing konstruksyon. Nasa unahan ang tanggapan ngmga opisyal, nasa likuran ang silid tulugan at nasa hulihan ang hardin ng Kongfu. Dito naglilibang ang mga inaapo ni Confucius at kanilang kamag-anak. Tahimik at malinis ang ang buong hardin. Mahusay ang pagkakaayos. Talagang napakarikit nito. Isa rin itong halimbawa ng pagsasama ng tirahan at hardin. Maraming talaang pangkasaysayan, relikiya, kasuutan at kagamitan ng iba't ibang dinastiya ang nakatago rito sa Kongfu. Napakahalaga ng lahat ng ito. Pinakatanyag ang "10 kagamitan ng mga Dinastiyang Sang at Zhou" na tinatawag ding "10 Handog". Ang pang-aalay na sisidlang tanso na nakatago rito ay handog sa Kongfu ni Gaozhong sa panahon ni Qianlong ng dinastiyang Qing noong taong 1771.

Ang Konglin, Sementeryo ni Confucius ay nasa lugar na mga isang kilometro ang layo mula sa hilaga ng lunsod Qufu. Libingan ito ni Confucius at ng kanyang angkan. Isa itong pinakamalaki at pinakakompletong libingan ng isang angkan na napanatili sa loob ng napakahabang panahon sa Tsina. At siya ring pinakamalaking libingan ng angkan na napanatili sa loob ng mahabang panahon sa daigdig sa kasalukuyang panahon. Namatay si Confucius noong abril 7 ng taong 479 sa panahon ni Luyuangong at inilibing sa Beisishang ng Luchen. Ang kanyang mga inapo ay inilibing din doon at naging Konglin na tulad ng sa ngayon. Sapul nang magtanim ng mga puno sa libingan ng Confucius si Zigong, umabot na sa mahigit 20 libo ang mga matatandasng puno sa loob ng Konglin. Umabot ng mahigit 100 libo ang malalaking puno. Sa pagpasok sa Konglin ay kailangang dumaan sa daang may 1200 metro ang layo, pagkatapos ay lalagpas sa batong balantok, batong tulay at daan patungo sa puntod ni Confucius Anim na metro ang taas ng puntod ni Confucius, nasa gawing silangan ng puntod ni Confucius ang puntod ng kanyang anak na si Kongli at ang puntod ng kanyang apo na si Kongji. Sa loob ng Konglin ay mayroon pang mga batong instrumento, at inukit na lapida. Ang mga iyon ay ginawa alinsunod sa ranggo ng titulo ng mga namatay.

Pagkaraan ng dinastiyang Han, muling inayos ng mga naghaharing tauhan ng nangakaraang dinastiya ang Konglin, 13 beses iyong inayos hanggang maging tulad ng sa ngayon, na umaabot ng dalawang kilometro kuwadrado ang buong saklaw. Napapaligiran ito ng 5.6 kilometrong pader na mahigit 3 metro ang taas at isang metro ang kapal. May 2500 taon nang kasaysayan ang Konglin na kinaruruunan ng mahigit 100 libong puntod. Pambihirang masaksihan sa daigdig ang gayong libingang may gayon karaming puntod na mahusay na napananatili sa loob ng napakahabang panahon. 

Noong 1994, inilakip ng UNESCO ang templong konpusiyano, tahanan at libinganan ni Confucius sa listahan ng pamanang kultural ng daigdig dahil sa mahabang kasaysayan, malaking saklaw, mga relikya at kahalagang pansiyensiya at pangkultural doon.