Pagsusuri sa tekstong legal ng RCEP, sinimulan na—panig Tsino

(GMT+08:00) 2019-12-06 11:32:18       CRI2019-12-06 11:32:19

Sa regular na preskon nitong Huwebes, Disyembre 5, 2019, ipinahayag ni Gao Feng, Tagapagsalita ng Ministri ng Komersyo ng Tsina, na sinimulan na sa linggong ito ang pagsusuri sa legal na teksto ng Regional Comprehensive Economic Partnership (RCEP).

Aniya, patuloy na pananatilihin ng iba't ibang panig ang mahigpit na pakikipag-ugnayan at pakikipagsanggunian sa India, at winewelkam ang pagsapi ng India sa RCEP sa lalong madaling panahon.

Salin: Vera