Mas maraming detalye ng pagtatagpo ni Meng Wanzhou at mataas na opisyal ng HSBC, isinapubliko

(GMT+08:00) 2020-07-27 17:13:07       CRI2020-07-27 17:13:08

Ayon sa pahayag na isinapubliko Hulyo 25, 2020, ng Hongkong and Shanghai Banking Corporation Limited (HSBC), "hindi nito ini-frame-up ang Huawei."

Pero, sa kabila nito, umiiral pa rin ang duda ng publiko sa naturang isyu.

Natagpo Agosto 2013, sina Meng Wanzhou at mataas na opisyal ng Huawei sa isang restawran sa Hong Kong.

Dito, ipinaliwanag ni Meng ang presentasyon hinggil sa negosyo ng Huawei sa Iran sa pamamagitan ng isang Power Point Presentation (PPT).

Ang presentasyong ito ay napasakamay ng Departamento ng Hustisya ng Amerika at ginagamit na ebidensiya laban kay Meng.

Ayon sa impormasyong ipinalabas ng mga dayuhang media, hinihiling di-umano ng Huawei na sirain ang ebidensiyang ito.

Pero, isiniwalat naman ng kinauukulang tauhan na hindi ito totoo.

Sa isang video na ini-host ni Liu Xin na ipinalabas kamakailan ng CGTN, inilahad ang mas maraming detalye.

Salin:Sarah