Tsina at India, pasusulungin ang lalo pang pagpapahupa ng tensyon sa hanggahan

(GMT+08:00) 2020-08-28 14:12:45       CRI2020-08-28 14:12:46

Sa pamamagitan ng pagsisikap ng dalawang panig, natigil ang aksyong militar ng mga tropa ng Tsina at India. Sinang-ayunan ng kapuwa panig na pasulungin ang lalo pang pagpapahupa ng tensyon sa hanggahan ng dalawang bansa, maayos na lutasin ang mga problema, para magkasamang pangalagaan ang kapayapaan ng rehiyong ito.

Ipinahayag ito Agosto, 26, 2020, ni Wu Qian, Tagapagsalita ng Ministri ng Tanggulang Bansa ng Tsina.

Ang Tsina at India ay mahalagang magkapitbansa, at ang kapayapaan at katatagan sa mga purok panghanggahan ay hindi lamang makakabuti sa kanilang sariling pag-unlad, kundi rin makakabuti sa kapayapaan ng buong daigdig, mariing pahayag ni Wu.

Salin:Sarah