• Hinggil sa CRI• Hinggil sa Serbisyo Filipino
More>>
China Radio International
Balita sa Tsina
Balita sa daigdig
Pulitika
Kabuhayan
Lipunan
Kultura
Isports
• Pakinggan ninyo ang pinakahuling programa natin

Tsinaistik

Lipunan

Tsina at ASEAN

Olimpiyada

Musika

Dear Seksiyong Filipino
(GMT+08:00) 2004-11-02 16:34:20    
Hun Sen:May mahalagang katuturan ang Tsina-ASEAN Expo

CRI

Sa Phnom Penh,Cambodia.

Sinabi dito ngayong araw ni P.M. Hun Sen ng Cambodia na ang kauna-unahang Tsina-ASEAN Expo na idaraos sa Nanning mula ika-3 hanggang ika-6 ng buwang ito,ay may mahalagang katuturan para ibayo pang mapalakas ang komprehensibong relasyong pangkooperasyong may mutuwal na kapakinabangan ng ASEAN at Tsina.

Winika ito nang araw ring iyon ni Hun Sen nang kapanayamin siya ng mamamahayag bago tumungo ang delegasyon ng pamahalaan ng Cambodia na pinamumunuan ni Hun Sen sa naturang expo.Sinabi niyang bilang di-mauunlad na bansa ng ASEAN,sa pamamagitan ng naturang expo,magkakaroon ang mga bansa na gaya ng Cambodia,Myanmar at Laos ng mas maraming pagkakataon at kapakanan.

Nitong ilang taong nakalupas,mabilis na umuunlad ang relasyong pangkabuhayan at pangkalakalan ng Tsina at Cambodia.Ayon sa estatisdika ng may kinalamang panig,umabot sa 450 milyong dolyares ang kabuuang halaga ng pamumuhunan ng Tsina sa Cambodia,at umabot sa 230 milyong dolyares ang kabuuang halaga ng kanilang bilateral na kalakalan na lumaki nang mga 43% kumpara sa nagdaang taon.