Sa Naning,Guangxi.
Isiniwalat dito ngayong araw ni Chong Quan,tagapagsalita ng ministri ng komersyo ng tsina na mahigit kalahati ng mga lider ng mga bansang ASEAN na kinabibilangan nina Hun Sen,P.M. ng Cambodia,Bounnhang,P.M. ng Laos at iba pa,ang dadalo sa kauna-unahang Tsina-ASEAN Expo na idaraos dito bukas.
Sinabi ni Chong na batay sa "balangkas ng kasunduan ng Tsina at ASEAn hinggil sa komprehensibong kooperasyong pangkabuhayan", ang layunin ng naturang Expo ay palalimin ang kooperasyong pangkabuhayan at pangkalakalan ng Tsina at ASEAN na ang pokus ay kooperasyong pangkabuhayan at pangkalakalan sa malayang sonang pangkalakalan.
|