• Hinggil sa CRI• Hinggil sa Serbisyo Filipino
More>>
China Radio International
Balita sa Tsina
Balita sa daigdig
Pulitika
Kabuhayan
Lipunan
Kultura
Isports
• Pakinggan ninyo ang pinakahuling programa natin

Tsinaistik

Lipunan

Tsina at ASEAN

Olimpiyada

Musika

Dear Seksiyong Filipino
(GMT+08:00) 2004-11-03 17:06:48    
Mga gawain hinggil sa malayang sonang pangkalakalan ng Tsina at ASEAN,komprehensibong sisimulan sa darating na taon

CRI

Sa isang preskong idinaos sa Nanning,lalawigang Guangxi kahapon,nang isalaysay niya ang kalagayan ng pag-unlad ng relasyong pangkabuhayan at pangkalakalan ng Tsina at ASEAN,sinabi ni Chong Quan,tagapagsalita ng ministri ng komersyo ng Tsina na ang mga gawain hinggil sa malayang sonang pangkalakalan ng Tsina at ASEAN ay komprehensibong sisimulan sa darating na taon.

Sinabi ni Chong na sapul noong 1990,lumalaki nang 20% sa bawat taon ang bahagdan ng halaga ng kalakalan sa pagitan ng Tsina at ASEAN,at ang ASEAN ay nagiging ika-5 trade partner ng Tsina nitong nagdaang 11 taong singkad.

Sinabi niyang noong 2002,lumagda ang mga lider ng Tsina at ng mga bansang ASEAN sa "balangkas ng kasunduan hinggil sa komprehensibong kooperasyong pangkabuhayan ng Tsina at ASEAN",ay opisyal na sinimulan ang proseso ng pagtatatag ng malayang sonang pangkalakalan ng magkabilang panig;noong nagdaang Setyembre,sa pulong ng mga ministro ng kabuhayan at kalakalan ng Tsina at ASEAN,narating dito sa Beijing ng magkabilang panig ang komong palagay hinggil sa kasunduan ng kalakalan ng mga paninda;sa pulong ng mga lider ng Tsina at ASEAN na idaraos sa buwang ito,lalagda ang magkabilang panig sa kasabing kasunduan at ito ay makakapagbigay ng paghahanda para komprehensibong masimulan ang naturang mga gawain sa darating na buwan.