Magkakasunod na hinimok kahapon ng mga lider ng Tsina at ASEAN na kalahok sa China-ASEAN Summit hinggil sa suliraning komersyal at pamumuhunan na idinaos sa Nanning,isang lunsod sa katimugang bahagi ng Tsina na,pabilisin ang pagtatayo ng China-ASEAN malayang sonang pangkalakalan para mapasulong pa ang kooperasyong pangkabuhayan at pangkalakalan ng magkabilang panig.
Noong 2002,sa "balangkas ng kasunduan hinggil sa komprehensibong kooperasyong pangkabuhayan ng Tsina at ASEAN" na nilagdaan ng mga lider ng Tsina at 10 bansang ASEAN,ipinasiya nitong bago mag-2010,itatag ang China-ASEAN malayang sonang pangkalakalan.
Sinabi ni Hun Sen,P.M. ng Cambodia na may determinasyon ang ASEAN na ibayo pang palakasin ang relasyong pangkabuhayan at pangkalakalan nila ng Tsina.Hanggang sa 2010,magiging mas mahigpit ang relasyon ng Tsina at ASEAN.
Ipinahayag naman ni Wu Yi,pangalawang premyer ng Tsina na pabibilisin ng panig Tsino ang proseso ng pakikipagtalastasan sa ASEAN hinggil sa pagtatatag ng naturang malayang sonang pangkalakalan,at patuloy na hihikayatin anya ng Tsina ang pagpapalawak ng mga bahay-kalakal na Tsino ng kanilang pag-aangkat sa ASEAN,at pauunlarin pa ang pamumuhunang may mutuwal na kapakinabangan sa iba't ibang bansang ASEAN.
|