• Hinggil sa CRI• Hinggil sa Serbisyo Filipino
More>>
China Radio International
Balita sa Tsina
Balita sa daigdig
Pulitika
Kabuhayan
Lipunan
Kultura
Isports
• Pakinggan ninyo ang pinakahuling programa natin

Tsinaistik

Lipunan

Tsina at ASEAN

Olimpiyada

Musika

Dear Seksiyong Filipino
(GMT+08:00) 2004-11-04 17:10:33    
Tsina,umaasang makakakuha ang mga bansang ASEAN ng mas malaking bahagi sa halaga ng pag-aangkat ng Tsina

CRI

Sa Nanning,Guangxi.

Isiniwalat dito kamakailan ni Bo Xilai,ministro ng komersyo ng Tsina na sa taong ito,lumampas sa 500 bilyong dolyares ang kabuuang halaga ng pag-aangkat ng Tsina,at umaasa siyang makakakuha ang mga bansang ASEAN ng mas malaking bahagi sa pag-aangkat ng Tsina.

Winika ito ni Bo sa kanyang pakikipagtagpo sa mga kinatawan ng ilang bansang ASEAN na kalahok sa China-ASEAN Expo.Sinabi ni Bo na

inilagay ng Tsina ang pagpapaunlad ng kooperasyong pangkabuhayan nila ng ASEAN bilang pokus ng pakikipagtulungang pangkabuhayan nito sa labas sa hinaharap,at hinihikayat ng panig Tsino ang pagsasagawa ng mga bahay-kalakal na Tsino ng direktang pakikipagtulungan sa mga bahay-kalakal ng ASEAN.

Noong Nobyembre ng 2002,nilagdaan ng Tsina at ASEAN ang balangkas ng kasunduan hinggil sa kanilang komprehensibong kooperasyong pangkabuhayan at opisyal na sinimulan ang proseso ng pagtatatag ng kanilang malayang sonang pangkalakalan.Sa kasalukuyan,komprehensibong lumalalim nang lumalalim ang kooperasyong pangkabuhayan at pangkalakalan ng Tsina at ASEAN.Sa taong ito,may pag-asang lumampas sa 100 bilyong dolyares ang halaga ng kalakalan ng Tsina at ng mga bansang ASEAN.Sa taong 2005,komprehensibong sisimulan ang konstruksyon ng malayang sonang pangkalakalang Sino-ASEAN.