Kayo ay nasa Serbisyo Filipino ng Radyo Internasyonal ng Tsina. Ito si Ramon Jr. sa Dear Seksiyong Filipino 2005.
Nakatsikahan ko kagabi sa telepono si Joyce Alcazar, kababayang nagtuturo sa Wikang Ingles sa isang eskuwelahan dito sa Beijing. Kasalukuyang nagliliwaliw siya sa Shandong Province.
Si Joyce ay isa sa pinakalmalakas na tagapagtaguyod ng programa ng Serbisyo Filipino. Kahit sinong makaharap niya binabanggit niya ang tungkol sa mga programa ng Filipino Service at inaanyayahan niya sila na, hindi lamang makinig, kundi sumulat at tumawag din sa telepono.
Ngayon, mula sa Lalawigan ng Shandong, narito si Joyce at babati sa ating lahat.
Marami kaming napag-usapin in Joyce, mga tanawin sa Shandong, mga dating kaibigan sa naturang lalawigan, pamilya niya sa Pilipinas, trabaho sa Beijing, love life, etc., etc. Sabi niya puwede naming pag-usapin maski private life niya pero huwag daw naming pag-uusapan ang pulitika sa pilipinas dahil lalagnatin daw siya. Nilagnat na nga ata,eh.
Hindi ko masisisis si Joyce. Talaga naman kasing sobra na ang pulitika diyan sa atin. Dahil sa nagaganao na krisis hindi tuloy makausad ang mga programa ng gobyerno.
Personal na nanawagan ako sa aking mga kababayan diyan sa Pinas na tigilan na ang pamumultika at harapon ang kanilang ikakabuhay. Tama na! Sobra na! Tigilan na!
Sa pamamagitan ng programang ito ipinaaabot ni Joyce ang kaniyang condolences sa lahat ng Saudi Arabians sa pagyao ni King Fahd. Sama na rin ako diyan.
Bilang pagwakas, sinabi ni Joyce na hindi niya pakakawalan ang susunod naming Guesing Game. Basta siguruhin lang daw naming na MP-3 pa rin ang premyo.
At iyan ang tinig sa telepono ni Joyce Alcazar mula sa Lalawigan ng Shandong.
|