• Hinggil sa CRI• Hinggil sa Serbisyo Filipino
More>>
China Radio International
Balita sa Tsina
Balita sa daigdig
Pulitika
Kabuhayan
Lipunan
Kultura
Isports
• Pakinggan ninyo ang pinakahuling programa natin

Tsinaistik

Lipunan

Tsina at ASEAN

Olimpiyada

Musika

Dear Seksiyong Filipino
(GMT+08:00) 2005-10-11 20:32:32    
Pakikinig sa Serbisyo Filipino, Libangan ng OCWs

CRI
May long-distance voice tayo buhat sa Maynila.

Nakatsikahan ko sa telepono si Sheila San Juan, O SJ, na patungong Beijing. Napag-usapan naming ang buhay ng mga Pilipino dito sa Beijing at gayundin ng mga kababayan na nagtatrabaho sa Beijing at gayundin ng mga kababayan na nagtatrabaho sa Hong Kong, Singapore, Thailand, Saudi Arabia, etc. Nasabi ko kay Sj na madalas kong nakakausap sa telepono ang mga kababayang ito at ang unang idinadaing nila ay ang kanilang pangugulila. Natuea siya nang sabihin kong kahit papaano naiibsan ang kanilang pangungulila kapang tinatawagan ko sila sa telepono...

Bihira sa mga Pilipino dito sa Beijing ang nagsasabing naho-homesick sila. Pero sa mga nasa Saudi, halos lahat na ata ng nakausap ko ay nagsabing "nababato" sila. Iyon lamang kapiling ang kanilang pamilya ang nagsasabing hundi. Tinanong ko si SJ kung ano ang maipapayo niya sa mga kababayang ito na "nababto".

Nagpahayag si SJ ng hangarin o wish na sana dumami pa ang mga tagapakinig ng Serbisyo Filipino ng CRI at sana malaman ng mga kababayan sa ibayong dagat na hindi pa nakakaalam n may Filipino Service ang China Radio International na nakahandang maglingkod sa kanila...