• Hinggil sa CRI• Hinggil sa Serbisyo Filipino
More>>
China Radio International
Balita sa Tsina
Balita sa daigdig
Pulitika
Kabuhayan
Lipunan
Kultura
Isports
• Pakinggan ninyo ang pinakahuling programa natin

Tsinaistik

Lipunan

Tsina at ASEAN

Olimpiyada

Musika

Dear Seksiyong Filipino
(GMT+08:00) 2005-10-14 22:36:52    
Pagkokober ng CRI sa ika-2 CAEXPO

CRI
Ang naririnig ninyo ay ang theme song para sa CAEXPO na pinamagatang "Walang Hanggang Pagsasama-sama". Sa ika-19 ng buwang ito sa Nanning, punong lunsod ng Rehiyong Awtonomo ng Guangxi Zhuang sa timog kanluran ng Tsina, idaraos ang ika-2 China-ASEAN Expo na nasa ilalim ng magkakasamang pagtataguyod ng mga deparmentong pangkabuhayan at pangkalakalan ng Tsina at sampung bansang ASEAN at sekretaryat ng ASEAN at kasabay ring idaraos ang ika-2 China-ASEAN Business and Investment Summit. Magpapadala sa susunod na linggo ng mga reporter sa Nanning ang language services na Filipino, Biyetnames, Laosiano, Kambodyano, Thai, Indones, Malaysiano at Myanmar ng China Radio International para sa coverage ng naturang ekspo at summit.

"Mga giliw na tagapagkinig, ito si Xian Jie at naririto ako sa harapan ng Nanning International Exhibition Center, lugar na idaraos ang ika-2 CAEXPO. Sa kasalukuyan, ang exhibition center na ito ay handang-handa na para sa ekspo. Sa 15 exhibition booth naman sa loob ng exhibition center, inilagay na ang mga eksibit mula sa Tsina at sampung bansang ASEAN at abalang-abala ang mga eksibitor ng iba't ibang bansa para sa pinal na pagsasaayos ng mga exhibition booth."

Bilang isang bagong pandaigdig na plataporma ng publisidad at kalakalan, ang CAEXPO ay pinag-uukulan ng napakalaking pansin ng iba't ibang panig. Napag-alamang kung ihahambing sa kauna-unahang ekspo, ang bilang ng mga exhibition hall ng kasalukuyang ekspo ay mas marami ng 6 at ang bilang ng mga exhibition booth ay umabot naman sa 3500 mula dating 2500. Masiglang-masigla rin ang mga negosyante ng iba't ibang bansang ASEAN sa paglahok sa ekspo at lumawak ang saklaw ng kanilang mga delegasyon. Kasabay nito, idaraos din sa panahon ng ekspo ang mahigit 30 promotional activities, perya, porum at iba pa na gaya ng isang aktibidad ng Pilipinas para sa pagsalaysay ng patakaran at kapaligiran ng pamumuhunan nito.

Bukod sa mga opisyal ng pamahalaan at negosyante, nakakaakit ang CAEXPO sa mass media ng Tsina at mga bansang ASEAN. Bilang cooperative media ng ekspo, nagpadala ang CRI ng isang malaking grupo ng mga mamamahayag para sa komprehensibong pagkokober ng ekspo. Kaugnay nito, sinabi ni An Xiaoyu, direktor ng South-East Asia Broadcasting Center ng CRI, na

"Mula noong nagdaang buwan, sinimulang ihatid ng aming walong serbisyo sa rehiyon ng ASEAN na kinabibilangan ng serbisyo Filipino, Biyetnames, Laosiano, Kambodyano, Taylandes, Indones, Malaysiano at Myanmar ang hinggil sa ika-2 CAEXPO sa kanilang mga radio program. Sa kasalukuyan, mayroon ding mga pahina sa aming ilang websites hinggil sa ekspong ito. Sa panahon ng kasalukuyang ekspo, ihahatid araw-araw ng aming mga mamamahayag ang hinggil sa ekspo para sa mga tagapakinig."

Sa panahon ng kasalukuyang ekspo, mula ika-19 hanggang ika-21, ihahanda rin bawat araw ng aming serbisyo ang Serbisyo Filipino sa inyong mga tagapakinig ang tatlong limang-minutong espesyal na programa. Huwag ninyong kaliligtaang pakinggan ang mga ito.

Kung gusto ninyong malaman ang hinggil sa ekspo sa pamamagitan ng radyo at internet, welcome kayo sa pakikinig sa aming mga programa at pagbisita sa aming website, ang aming website ay ph.chinabroadcast.cn.