Ang daga ay ang unang hayop sa "cycle" ng 12 hayop na sumasagisag sa mga taon. Ang iba, ayon sa pagkakasunod-sunod, ay ox, tigre, kuneho, dragon, ahas, kabayo, kambing, matsing, tandang, aso at baboy.
Bakit humigit-kumulang? At bakit ang mga ispesipikong hayop na ito? Maraming iba't ibang paliwanag hinggil sa pinagmulan ng mga ito.
Ayon sa isang popular na alamat, noong matagal na matagal nang panahon, inutusan daw ng isang diyus-diyosan ang lahat ng mga hayop na magbigay-galang sa kanya sa New Years Day, ang unang araw ng unang lunar month. Anya ang unang 12 hayop na makakabisita sa kanya at pagkakalooban niya ng titulong "Hari ng Daigdig ng mga hayop", at papayagan niyang panatilihin ang bawa't isa sa kanila ang kanyang titulo sa loob ng isang taon. At ito ngang 12 hayop na ito ang nagkapalad na manalo.
Ayon pa rin sa isang teorya, nanggaling ang nasabing mga hayop sa 28 constellations, o the Lunar Mansions na sinunod ang mga pangalan sa mga hayop. Ang bawa't dalawa o tatlong constellations ay tumatayo sa isang taon, at ang pinakakilalang hayop sa bawa't grupo ay ang pinili para sa taong ito. Kaya, mayroon tayong 12 hayop na ito.
Ipinalalagay ng isang mas kapani-paniwalang teorya na ang paggamit ng mga hayop para kumatawan sa mga taon ay nanggaling sa mga totems ng mga minority groups noong sinaunang panahon. Ang iba't ibang tribu ay may kani-kanilang hayop bilang totem. Unti-unti, ginamit ang mga hayop na ito bilang paraan ng pagtanda sa mga taon.
Kasabay ng pagdami ng pagpapalitan sa pagitan ng liblib na purok at rehiyon sa hanggahan, napalaganap sa liblib na purok ang kaugalian ng paggamit ng mga hayop sa pagtatakda ng mga taon at ginamit ito ng mamamayang Han, ang pinakamalaking nationality ng Tsina.
Noong panahong iyon, ang ginagamit ng mga Han sa pagtatakda ng mga taon ay ang 10 Heawenly Stems at 12 Earthly Branches. Kinuha nila ang isa mula sa bawa't serye upang makabuo ng isang pares para sa isang taon at nadebelop ang isang sistema na base sa go-year-cycle. Tuwing 60 taon nakukumpleto ang cycle at magsisimula ang panibago.
Nang maipasok sa liblib na purok ang paraan ng paggamit ng mga hayop sa pagtatakda ng mga taon, idinagdag ng mga sinaunang Tsino ang mga ito sa 12 Earthly Branches, isa sa bawa't isa. Kaya ginamit ang nasabing 12 hayop. Pormal na sinimulang gamitin ang mga hayop sa pagtatakda ng mga taon noong panahon ng Later Han ng Five Dynasties Period, mahigit sa 1000 taon na ang nakalilipas.
|