Idaraos sa ika-19 ng buwang ito ang ika-2 CAEXPO o China-ASEAN Expo sa Nanning, punong lunsod ng Rehiyong Awtonomo ng Guangxi Zhuang sa timog kanlurang Tsina. Napag-alaman ng mamamahayag mula sa may kinalamang panig na mula ika-17 hanggang ika-24 ng buwang ito, isasagawa ng Tsina ang pansamantalang charter flights sa pagitan ng Nanning at mga pangunahing lunsod ng mga bansang ASEAN. Sa kasalukuyan, isinapubliko na ang linya, petsa at presyo ng charter flights at pinasimulan na ang pagbebenta ng tiket.
Pinasimulan noong Lunes ang gawain ng pagsasaayos ng mga exhibition rooms ng ika-2 CAEXPO o China-ASEAN Expo na bubuksan sa ika-19 ng buwang ito sa Nanning, punong lunsod ng Rehiyong Awtonomo ng Guangxi Zhuang sa timog kanlurang Tsina. Ayon sa iskedyul, matatapos ang naturang gawain sa ika-18 ng buwang ito. Samantala, nanumpa sa tungkulin kaninang umaga ang mahigit 1700 boluntaryo para sa nalalapit na ekspong ito. Sa isang may kinalamang ulat, idinaos kahapon sa Nanning ang news briefing hinggil sa mga cooperative partner ng ika-2 CAEXPO. Mahigit 30 bahay-kalakal ang naging cooperative partner ng ekspo at magbibigay sila sa ekspo ng pagkatig at pagtulong sa iba't ibang tsanel at paraan.
Isiniwalat noong Miyerkules sa Beijing ni Wu Heping, tagapagsalita ng Ministri ng Seguridad na Pampubliko ng Tsina, na mula ika-18 hanggang ika-20 ng buwang ito, idaraos sa Beijing ang ika-2 pandaigdig na pulong ng ASEAN at Tsina hinggil sa kooperasyon sa pagbabawal sa droga. Ayon kay Wu, lalahok sa pulong ang halos 150 personahe na kinabibilangan ng mga ministro ng Tsina at sampung bansang ASEAN na namamahala sa pagbabawal sa droga, namamahalang tauhan ng tanggapan ng UN sa isyu ng droga at krimen at mga kinatawan mula sa mga iba pang bansa at organisasyong pandaigdig. Titiyakin sa pulong ang estratehiya at plano ng aksyon ng Tsina at ASEAN hinggil sa pagbabawal sa droga sa hinaharap.
Sa kaniyang noong Huwebes dito sa Beijing sa delegasyon ng mga overseas Chinese sa Thailand, binigyan-diin ni Tang Jiaxuan, kasangguni ng estado ng Tsina na buong tatag na tumatahak ang Tsina sa landas ng mapayapang pag-unlad, at pinahahalagahan nito ang pagpapaunlad ng mabuting relasyong pangkaibigan at pangkapitbansa sa mga bansang ASEAN at kapitbansang kinabibilangan ng Thailand. Mataas na pinahahalagahan ni Tang Jiaxuan ang mga overseas at ethnic Chinese sa Thailand sa kanilang ambag sa pagpapasulong sa relasyong pangkaibigan at pakikipag-ugnayan ng kabuhayan at kalakalan ng dalawang bansa, at sa unipikasyon ng Tsina. Pinasalamatan niya ang malasakit at pagkatig nila sa pag-unlad ng Tsina, at umasa siyang makapagbibigay ng bagong ambag ang mga oversease at ethnic Chinese ng Thailand para lalo pang mapasulong ang pagpapalitan at kooperasyon ng Tsina at Thailand sa larangan ng pulitika, kabuhayan at kultura.
Noong Huwebes naman, ipininid sa Kuala Lumpur, Malaysia ang ika-2 pulong ng grupo ng mga bantog na personahe ng Tsina at ASEAN na nilahukan ni Qian Qichen, dating pangalawang premyer at bantog na personahe ng Tsina at ng mga bantog na personahe ng sampung bansang ASEAN. Sa naturang dalawang araw na pulong, sinariwa at nilagom ang kasaysayan at karanasan ng pag-unlad ng relasyon ng Tsina at ASEAN at iniharap ang mungkahi hinggil sa direksyon ng pag-unlad ng relasyon ng dalawang panig sa darating na 15 taon. Pinagtibay din sa pulong ang report ng grupo ng mga bantog na personahe ng Tsina at ASEAN at isusumite ang report na ito sa ika-9 na summit meeting ng Tsina at ASEAN na idaraos sa darating na Disyembre sa Malaysia.
|