• Hinggil sa CRI• Hinggil sa Serbisyo Filipino
More>>
China Radio International
Balita sa Tsina
Balita sa daigdig
Pulitika
Kabuhayan
Lipunan
Kultura
Isports
• Pakinggan ninyo ang pinakahuling programa natin

Tsinaistik

Lipunan

Tsina at ASEAN

Olimpiyada

Musika

Dear Seksiyong Filipino
(GMT+08:00) 2005-10-17 22:33:31    
Mapapalad ang mga manggagawang Tsino

CRI
Ang programang ito ay talagang para sa Labor Day kaya naka-schedule na isahimpapawid noong ika-30 ng Aril, isang araw bago ang nabanggit na espesyal na araw. Dahil sa hindi maiiwasang pangyayari, na-pre-empt ito ng ibang programa. Humihingi ako ng paumanhin sa inyong lahat.

Kasi baka magtaka kayo bakit Labor Day at mga manggagawa ang pinag-uusapan namin ng tagapakinig gayong nakaraan na ang pandaigdig na araw ng paggawa.

Ilang araw bago ang May 1st, nakatanggap ako ng tawag mula sa isang bagong tagapakinig sa Pilipinas. Ang pangalan niya ay Baby Balangue. Tatlong buwan pa lang siyang nakikinig sa Serbisyo Filipino at sabi niya lagi niyang inaabangan ang long-distance voice ng mga tagapakinig at liham ng mga tagapakinig. Mahilig daw siyang magtelebabad. Sa loob-loob ko lang, huwag naman sa long-distance.

Tunawag si Baby hindi lamang para ipaalam sa akin na siiya ay isang bagong tagapakinig at isang tagahanga ng inyong lingkod, kundi para batiin din ang lahat ng mga kababayang manggagawa sa Pilipinas at sa abroad...

Bilang karagdagan dito, sinabi niya na ang mga Filipino OFW's ay itinuturing niyang mga tunay na bayaning Pilipino. Ang pinagpapawisan nilang pera aniya ay sumusuporta sa pambansang kabuhayan. Bukod dito, pinapupurihan din niya ang manggagawang Pilipino sa Serbisyo Filipino. Alam ba ninyo kung sino iyon?

Sabi niya ang personal touth daw namin dito sa Filipino Service ang dahilan kaya malapit sa amin ang mga tagapakinig. Aniya, samantalang pinakikinggan kami ng mga tagapakinig sa aming pagsasahimpapawid, pinakikinggan din naman namin ang kanilang tinig sa pagpapahayag nila ng kanilang saloobin...

Ayon pa kay Baby, masuwerte daw ang mga manggagawang Tsino dahil malaki ang malasakit sa kanila ng gobyerno at sa lamang ng maikling panahon, naitaas ng gobyerno ang antas ng pamumuhay ng mga manggagawa sa buong bansa...

At iyan ang tinig ni Bby Balangue, bagong tagapakinig, buhat sa Pilipinas. Welcome to the Filipino Section family, Baby.

At mula pa rin sa Pilipinas, pakiinggan naman natin ang mga mensahe ng ating textmates...

Mula sa 920 415 5536, Happy Labor Day! Mula sa 919 334 4656, Enjoy your Holiday! At mula naman sa 917 662 2252, Mabuhay ang OFW's!

Oras na naman para sa pagbabasa ng liham ng tagapakinig dito sa Dear Seksiyong Filipino...

Ang liham na bibigyan-daan natin ngayong gabi ay padala ni Angelita Alcala ng Mandaluyong, Metro Manila.

Sabi ng kaniyang liham...

Dear Friend at CRI,

I hope you are all in the pear of health.

As for me, heto, medyo nababawasan ang nightlife. Dahil alam niyo na, austerity.

Minsan, sa isang folkhouse, Kola House ang pangalan, tinugtog ng isang folk group ang isang awit na may kinalaman sa kapaligiran, Nag-enjoy ako dahil napakaganda ng interpretation ng grupo at the same time malaman ang mensahe: pagdating ng araw ang mga bata ay wala nang punong madadapuan, at lahat tayo sa langit na lang magkakantahan. Naalala ko tuloy ang inyong environmental program. Narinig ko na marami na kayong sinalihang internationa environmental protection kahit nagkaroon ng malaking baha diyan. Talagang hindi na lang maiiwasan ang E1 Nino at greenhouse effect dahil ito ay universal phenomenon.

Maganda sana kung mabibigyan ninyo ng emphasis ang environmental protection sa iyong mga programa. Marami na rin kayong nabasang artikulo pero wala akong matandaan kung meron, tungkol sa environment.

Before I end up, gusto ko kayong pasalamantan sa consolation price na tinaggap ko sa inyo noon dahil sa aking sulat. Paano ka ba namang hindi gaganahang sumulat niyan?

This is the end of my note.

Love,
Angelita Alcala
504 Paete St.
Mandaluyong, M.M.

Maraming-maraming salamat sa iyong liham, Angelita. Napakaganda ng laman ng iyong sulat. Sana, tulad mo rin, lahat ng tao sa mundo ay inyong walang sawang pakikinig. Hanggang dito na lang ang oras natin para sa gabing ito. Itong muli si Ramon Jr. na nagpapaalam at nagpapaalalang ang kabutihan ay ipinapasa, hindi ibinabalik.