• Hinggil sa CRI• Hinggil sa Serbisyo Filipino
More>>
China Radio International
Balita sa Tsina
Balita sa daigdig
Pulitika
Kabuhayan
Lipunan
Kultura
Isports
• Pakinggan ninyo ang pinakahuling programa natin

Tsinaistik

Lipunan

Tsina at ASEAN

Olimpiyada

Musika

Dear Seksiyong Filipino
(GMT+08:00) 2005-10-18 21:13:48    
Isang kilalang-kilalang babaeng doktor na Tibetano

CRI

Sa gulang na 55, si Degyi Dolkar ay may 38 na taong karanasan sa panggagamot at nagpakadalubhasa sa mga sakit na cardiovascular sa Lhasa Hospital of Tibetan Medicine. Sinabi ni Degyi na ang kanyang desisyon na maging doktora ay naimpluwensiyahan ng dalawang tao. Una, ng kaniyang tiyuhin. Bago mag-liberation, ang kanyang tiyuhin ay isang doktor at ipinaalam nito sa kaniya ang kasiyahang nadarama sa pagpapagaling sa isang tao o pagliligtas sa buhay nito. Ikalawa, ng kaniyang ina. Bago magliberation, ilan-ilan lang ang doktor sa Tibet kaya hindi alam ng mga tao kung saan sila tatakbo pag nagkakasakit. Pangarap ng nanay ni Degyi na si Degyi ay maging doktora para raw makatulong sa ibang tao at makatanggap ng "religious merits".

Bago magliberation, ang medisina ay "taboo" para sa kababaihan. Gayunman, pagkaraan nito, inenrol ng College of Tibetan Medicine ang kauna-unahang grupo ng mga estudyanteng babae, kasama rito si Degyi Dolkar. 40 lahat-lahat ang mga estudyante sa kanyang klase at mahigit 10 sa mga ito ay babae. Sa mahabang panahon ng liberation, libre ang panggagamot sa Tibet. Nang dalawin ni Degyi at ng kanyang mga kamag-aral na babae ang kanilang mga pasyente sa mga purok-pastulan pagkagradweyt, kung gaano kasaya ang mga pastol na magpatingin sa mga doktor na lalaki gayunpin naman sa kanila. At hindi kailanman nag-alinlangan ang mga ito sa kanilang kakayahan, sapagkat sa panahong iyo'y kaunti lamang mga doktor doon.

Ginunita ni Degyi na noong magpunta siya sa isang bukid sa kauna-unahang pagkakataon, naganap ang pagsabog ng boiler ng nayon. Nagtatrabaho aniya siya noon sa bukid at nakita niya ang mga taong nagtatakbuhan papunta sa nayon. 20-taong gulang lamang aniya siya noon, katatapos lang sa medical school at wala pang gaanong tiwala sa kaniyang kakayahan manggamot. Takut na takot aniya siyang makakita ng gutay-gutay at duguang laman at durog na mga paa't bisig, kaya nagtago siya sa toilet na babae. Pagkaraan ng ilang sandali, nang mawala ano nerbiyos niya, nagpunta siya sa lugar na pinagsabugan. Nakahinga siya nang maluwag nang matuklasan niyang hindi pala grabe ang nalikhang pinsala; sugat at galos lang. Ang karanasang ito'y nagsilbing mabuting leksyon para kay Degyi. Ipinasiya niyang pagbutihin pa ang kanyang panggamot para siya ay maging isang makakayahan at mapagkakatiwalaang doktora.

Di naglaon sinimulan ni Degyi na mag-aral ng western medicine. Ang Tibetan medicine aniya ay malalim na larangan ng karungungan. Nilalagom ng apat klasikal na aklat ng medisina ang mga karanasan ng kanilang mga ninunong mediko. Sabi niya, ang mga ito raw ay siyentipiko, sapagkat napatunayan ito ng libu-libong matagumpay na clinical treatment. Gayunman, ang Tibetan medicine ay umaasa lamang sa karanasan pagdating sa diagnosis, samantalang makatutulong aniya sa kaniya ang western medicine sa pag-verify ng kaniyang diagnosis.

Ang anak na babae ni Degyi ay isang doktora ng western medicine at nagtatrabaho ngayon sa People's Hospital ng Rehiyong Autonomo ng Tibet na nagpakadalubhasa sa mga sakit sa baga. Noong una, minamaliit ng anak niya ang Tibetan medicine dahil sa ipinalalagay nitong nababatay lamang ito sa pamahiin at naniniwalang ang western medicine lamang ang tunay na siyentipiko. Laging pinagtatalunan ng mag-ina ang paksang ito sa harap ng hapag-kainan. Ang isang pangangatuwirang laging ginagamit ni Degyi ay napakabata pa ng kanyang anak na babae para malaman ang lahat sa mundo at kaya ng Tibetan medicine na gamutin ang maraming sakit na hindi kaya ng western medicine.

Sinimulan nang tanggapin ng kanyang anak na babae ang teorya ng Tibetan medicine at sinusubok nitong gamitin ang Tibetan medicine para sa ilang sakit na talamak na gayan ng hika at bronchitis nang may magandang resulta.

Maligaya si Degyi Dolkar sa piling ng kanyang pamilya. Ang kanyang asawa ay isa ring doktor ng Tibetan medicine, samantalang ang kanyang anak na lalaki naman ay nagtatrabaho sa bangko. Masaya siya kapag napag-uusapan ang kaniyang asawa. Sabi niya ang asawa niya ay dating guro niya sa college of medicine. Noong panahong iyon ang ramantikong relasyon sa pagitan ng isang guro at estudyante ay itinuturing na "avant garde", o pangahas na pagbabago, kaya nakarinig sila ng kung anu-anong tsismis at napukol ng kung anu-anong intriga. Gayunman, naniniwala silang mapagtatagumpayan ng dalawang pusong pinag-uugnay ng tunay na pag-ibig ang anumang sagabal, kaya nanatili silang magkasama.

Ang suweldo ni Degyi ay mahigit 3 libong yuan isang buwan na isa nang malaki-laking kita sa pamantayang lokal. Kadalasan 10 pasyente ang ginagamot niya araw-araw, kung minsan naman lampas ng 40. Sabi niya masaya siya sa kaniyang buhay at trabaho. Inaasahan aniya niya na makapagbibigay siya ng maraming tulong sa kaniyang mag pasyente hangga't kinakailangan.