To CRI Filipino Service,
Pasensiya na kayo ngayon lang ako nakasulat. Malapit nang magbalentayn hindi ko pa kayo nababati ng Meri Krismas at Hapi Niyu Yir.
Binabati ko kayo sa pagkokober niyo ng Tsunami. Mahigit isang linggo rin niyong binantayan ang aksiyon sa mga pinatag na bansa. Eksakto ang inyong mga bilang at detalye.
Nagkakamali ang ibang diyaryo. Sabi mahigit 150,000 ang namatau. Hindi. Ang totoong bilang ay 220,000. Iyan ang pinakahuling bilang, Maaring mas marami pa pero hindi bababa diyan.
Siguro manhid na lang ang taong hindi magkakaroon ng habag sa mga tinangay ng dagat. Nawasak ang mga malalaking building na malapit sa dagat at tinangay pati ang mga sasakyan na nakaparda. Kung natangay ang mga sasakyan, ano na ang laban ng mga tao.
Sabi nila dapat daw may early warning device ang mga bansa para maging handa sila sa darating na sakuna. Palagay ko hindi rin kasi hindi mo naman alam kung saang bansa magaganap ang ganitong sakuna. Ito ay puwersa ng kalikasan. Ang nasa itaas lang ang nakakaalam kung kelan ito darating. Siya lang ang makakapigil kung loloobin Niya.
Pero ang kalikasan ay nagagalit na sa mga tao kaso abusado ang mga tao. Inaabuso nila ang kalikasan. Hindi nila naiisip na walang magagawa dito maski panaka-makapangyarihang bansa. Ilang lugar na ba sa Amerika ang halos napulbos dahil sa ipu-ipo?
Hindi bakayo maglulunsad ng kampaniya ng pangangalap ng pondo? Sama ako diyan.
Si Ramon Jr., ang mabait ninyong brodkaster, ay laging sumusulat sa kin at nagpapadala ng kung anu-anong aytem. Saludo ako sa kaniya. Talagang bukod-tangi siya.
Kung may pagkakataon pakibasa ang sulat ko sa eyre para maranig naman ng mga barkada ko ang pangalan ko.
Salamat sa inyong lahat at Happy Chinese New Year!
Rico Almeda B.F. Homes, Paranaque Metro Manila, Phils
|