• Hinggil sa CRI• Hinggil sa Serbisyo Filipino
More>>
China Radio International
Balita sa Tsina
Balita sa daigdig
Pulitika
Kabuhayan
Lipunan
Kultura
Isports
• Pakinggan ninyo ang pinakahuling programa natin

Tsinaistik

Lipunan

Tsina at ASEAN

Olimpiyada

Musika

Dear Seksiyong Filipino
(GMT+08:00) 2005-10-24 22:01:29    
Tulay ng Lugou

CRI
"Sa ibabaw ng ilog, ay may isang magandang tulay na yari sa bato. Isipin ninyo, ito ang talagang pinakakahanga-hanga at namumukod-tanging tulay sa daigdig. Ganitong sinabi ni Marco Polo, kilalang turistang Italiano sa Tsina noong ika-13 at ika-14 na siglo, sa kanyang "travel notes". Ang tulay na ito ay ang Lugou Bridge na bumabagtas sa Yongding River sa timog-kanluran ng sentro ng Beijing.

Kilala ang Lugou Bridge sa loob at labas ng Tsina sa pambihira at katangi-tangi nitong arkitektura at magandang tagpuan sa isang mahalagang lugar sa hilaga-timog na linya ng komunikasyon. Dito sinimulan ang dakilang digmaan ng mga mamamayang Tsino laban sa pananalakay ng mga Hapones noong ika-7 ng Hulyo, 1937.

Ang tulay na ito na itinayo noong ika-12 siglo at 260 metro ang haba ay may 11 arko. Ang mga balustrada nito na yari sa bato ay may 140 nililok na balustre sa magkabilang tabi at sa ibabaw ng bawat isa ay may nililok na leon na magkakaiba ang anyo. Ang nakakaintriga ay ang mga anak na leon, mula sa ilang milimetro hanggang sa isang dosenang milimetro ang laki, na naglalaro sa paligid ng pangunahing pigura ng leon, nakakapit sa kanyang dibdib, nakayukyok sa kanyang mga paa, nakasilip mula sa likod ng kanyang mga tainga o nakatingkayad sa kanyang mga balikat. Madalas halos nakatago, parang mahirap na bilangin. Ang ekspresyong "hindi mabilang na parang mga leon ng Lugou Bridge". At talagang hindi pa malaman-laman ang tunay na bilang nito hanggang sa magsagawa ng tumpak na pagbilang ang "Beijing culture relic work team" ng Baong Tsina. Natuklasan nila ang 485 sa kabuuan. Sa bandang huli, isa pang "stone lion" ang natuklasan sa paanan ng isang piyer. Pinaniniwalaang nahulog ito mula sa balustre ilang taon na ang nakalipas.

Palaging nagsisilbing isa sa mga atraksyon ng Beijing ang Lugou Bridge. Dati'y tumigil dito si Emperador Qian Long ng Qing Dynasty sa kanyang biyahe sa timog Tsina noong ika-18 siglo. Dahil dumating siya nang madaling araw kung kailan,. Aandap-andap ang alon ng tubig sa ilalim ng di gaanong maliwanag na buwan, naakit si Qian Long sa tanawin at sinulat niya "ang buwan sa madaling araw sa tulay ng Lugou". Nakatayo pa sa silangang dulo ng tulay ang isang "pavilion" na may isang tabletang inuukitan ng inskripsyon ng kanyang kaligrapiya.

Noong 1937, nang maglunsad ang imperiyalistang Hapones ng digmaan ng pananalakay laban sa Tsina, ang mga mamamayang Tsino ay nag-bangon para lumaban. Nanalo sila pagkatapos ng walong taong pagpupunyagi. Ang Lugou Bridge ay iniuugnay sa kasaysayan sa integridad at dignidad ng Tsina. Ang pinsalang likha ng bomba ng digmaan ay kikita pa sa mga dingding ng Lugouqiao Town sa silangang dulo ng tulay. Nasira ng hangin at ulan sa paglipas ng panahon at napinsala ng digmaan, nasa masamang kondisyon ang tulay sa panahon ng "liberation" noong 1949. Binigyan ito ng pamahalaan ng prioridad sa mga "cultural relics" upang mapanumbalik ang dating kalagayan. Pagkatapos ng 7 buwang pagsasaayos dito, bumalik sa orihinal na anyo ang hitsura nito. Ano ang tanawing makikita sa tulay? Malapit sa hilaga ng ilog ay nakatayo ang "steel railway bridge" na nilalampasan ng Beijing-Guangzhou train. Kaya, nagsisilbi itong arterya sa pagitan ng hilaga at timog Tsina. Sa timog naman, ay ang nakababatang kapatid ng Lugou Bridge, isang makabagong tulay sa highway na yari sa pinatibay na konkreto na itinayo upang maibsan ang daloy ng trapiko sa Lugou Bridge. Masinsin at simple ang disenyo, tugma ito sa maganda at sinaunang istilo ng Lugou Bridge.