• Hinggil sa CRI• Hinggil sa Serbisyo Filipino
More>>
China Radio International
Balita sa Tsina
Balita sa daigdig
Pulitika
Kabuhayan
Lipunan
Kultura
Isports
• Pakinggan ninyo ang pinakahuling programa natin

Tsinaistik

Lipunan

Tsina at ASEAN

Olimpiyada

Musika

Dear Seksiyong Filipino
(GMT+08:00) 2005-10-24 22:02:18    
Oktubre ika-16 hanggang ika-22

CRI

Binuksan noong Miyerkules sa Nanning, punong lunsod ng Rehiyong Awtonomo ng Guangxi Zhuang sa timog kanlurang Tsina, ang apat na araw na ika-2 China-ASEAN Expo o CAEXPO. Sa kanyang talumpati sa seremonya ng pagbubukas, ipinahayag ni Bo Xilai, ministro ng komersyo ng Tsina, na nakahanda ang kanyang bansa na magsikap, kasama ng mga departmentong pangkabuhayan at pangkalakalan ng mga bansang ASEAN at sekretaryat ng ASEAN, para makapagkaloob ng mahusay na serbisyo sa mga nogesyonte ng iba't ibang bansa nang sa gayo'y isasakatuparan ang mutuwal na kapakinabangan at win-win situation. Sa kanya namang talumpati, tinukoy ni pangkalahatang kalihim Ong Keng-yong ng ASEAN na ang Tsina at ASEAN ay naging ika-4 na pinakamalaking trade partner ng isa't isa. Anya, kasunod ng pagpapasulong ng pagtatatag ng malayang sonang pangkalakalan ng Tsina at ASEAN, magiging mas malawak ang espasyo ng mga negosyante ng iba't ibang bansa para sa pagbebenta ng paninda, pagpapalawak ng pamilihan at pagpapasulong ng negosyo.

Noong Miyerkulers naman, binuksan sa Nanning, punong lunsod ng Rehiyong Awtonomo ng Guangxi Zhuang sa timog kanlurang Tsina, ang ika-2 China-ASEAN Business and Investment Summit. Mahigit 900 kinatawan mula sa Tsina, sampung bansang ASEAN at mga iba pang bansa ang lumahok sa naturang summit na may temang "Tsina at mga bansang ASEAN: pagbubukas at paggagalugad ng pamilihan". Sa kanyang talumpati sa seremonya ng pagbubukas ng summit, sinabi ni pangkalahatang kalihim Ong Keng-yong ng ASEAN na maganda ang prospek ng kalakalan at pamumuhunan ng ASEAN at Tsina. Anya, ang narating na komong palagay na pulitikal ng sampung bansang ASEAN at Tsina at ang pagtatamasa ng mga pribadong kompanya ng kapakinabangang dulot ng pagbubukas ng pamilihan ay mahalaga garantiya sa pagtatatag ng malayang sonang pangkalakalan ng Tsina at ASEAN.

Bilang isang aktibidad ng ika-2 China-ASEAN Expo, idinaos Huwebes sa Nanning ang isang news briefing hinggil sa patakaran at kapaligiran ng pamumuhunan ng Pilipinas. Lumahok sa news briefing sina Zorayda Amelia Alonzo, pangalawang kalihim ng kalakalan at industriya ng Pilipinas, Willy Gaa, embahador ng Pilipinas sa Tsina at Lin Can, pangalawang tagapangulo ng pirmihang lupon ng Kongresong Bayan ng Guangxi. Sa kanyang talumpati sa news briefing, binigyan ng mataas na pagtasa ni embahador Gaa ang kooperasyong pangkabuhayan at pangkalakalan ng Pilipinas at Tsina at sinabi niyang pumasok na sa gintong panahon ang kooperasyong ito ng dalawang bansa. Sa kanya namang talumpati sa news briefing, inilahad ni Alonzo ang hinggil sa patakaran at kapaligiran ng pamumuhunan ng Pilipinas at wini-welcome niya ang mga bahay-kalakal na Tsino na mamuhunan sa kanyang bansa.

Ipinahayag Huwebes dito sa Beijing ni Luo Gan, kagawad ng pulitburo ng komite sentral ng Partido Komunista o CPC ng Tsina, na ang pakikibaka laban sa droga ay angkop sa pundamental na interes ng mga mamamayang Tsino, at ito ay isa ring dakilang responsibilidad ng Tsina. Winika ito ni Luo sa kaniyang pakikipagtagpo sa mga puno ng delegasyon sa ika-2 China-ASEAN pulong na ministeryal hinggiil sa kooperasyon sa pakikibaka sa droga. Umaasa rin siyang mapapahigpit ng iba't ibang bansang ASEAN ang kanilang pakikipagkooperasyon sa Tsina at makapagsasagawa ng mas mabigat na hakbangin para mahigpit na mabigyan-dagok ang mga bagong istilo ng krimen sa droga at buong sikap na mabawasan ang pinsalang dulot ng droga. Nang araw ring iyon, binuksan dito sa Beijing ang ika-2 China-ASEAN pulong na ministeryal hinggiil sa kooperasyon sa pakikibaka sa droga. Sa seremonya ng pagbubukas, ipinahayag ni Zhou Yongkang, puno ng National Narcotics Control Commission ng Tsina, na nakahanda ang pamahalaang Tsino na, tulad ng dati, palalimin nang may pinakamalaking sinseridad ang pakikipagkooperasyon sa pakikibaka sa droga sa iba't ibang bansa ng daigdig.

Noong Huwebes naman, ipininid sa Beijing ang tatlong-araw na ikalawang international congress of Asean-China Cooperative Operations in Response to Dangerous Drugs o ACCORD. Pinagtibay ng katatapos na kongreso ang 3 dokumentong nagtatakda ng bagong target ng dalawang panig hinggil sa kooperatibong pakikibaka laban sa droga. Nanawagan ang Beijing Declaration sa komunidad ng daigdig na magbigay ng tulong na salapi at teknolohiya para maisakatuparan ang target na walang droga sa Tsina't Asean sa taong 2015. Nanawagan naman ang rebisadong plano ng aksyon na palaganapin ang kaalaman hinggil sa pagbabawal sa droga, pahigpitin ang pagtutulungan sa pagbibigay-dagok sa drug trafficking, bawasan ang pagtatanim ng poppies at mga drug-related plant sa pamamagitan ng pagpapasulong ng sustenableng pag-unlad. Sa isang preskon pagkatapos ng kongreso, isinalaysay ni Zhang Xinfeng, Pangalawang Direktor ng China National Narcotics Control Commission, na komprenhensibong naglalarawan ang may kinalamang dokumento ng kooperatibong aksyon ng China't Asean sa iba't ibang larangan ng pagbabawal sa droga sa susunod na limang taon. Nagsisilbi itong solemnang sumpa ng Tsina't Asean para sa kanilang pagpapahigpit ng pagtutulungan laban sa droga.