• Hinggil sa CRI• Hinggil sa Serbisyo Filipino
More>>
China Radio International
Balita sa Tsina
Balita sa daigdig
Pulitika
Kabuhayan
Lipunan
Kultura
Isports
• Pakinggan ninyo ang pinakahuling programa natin

Tsinaistik

Lipunan

Tsina at ASEAN

Olimpiyada

Musika

Dear Seksiyong Filipino
(GMT+08:00) 2005-10-24 22:02:50    
Pinoy Brodkas: gamot sa lumbay ng OCWs

CRI
Sabi ni Joyce isama ko daw siya sa listahan ng mga kababayan dito sa Beijing na nagtataguyod sa Serbisyo Filipino. Malaki aniyang karangalan na mapabilang sa grupo ng mga Pilipino na sumusuporta sa kaisa-isang language service sa short-wave na nagsasahimpapawid sa wikang Filipino at para sa mga Pilipino sa iba't ibang dako ng Asya at Pasipiko.

Sakaling hindi ninyo natatandaan, si Joyce ay isang kababayan na nagtuturo ng oral English sa isang middle school dito sa Beijing, at ilang ulit nang nag-guest sa aking programa.

Nagkita kami kamakailan sa isang five-star hotel. Kasama ko noon ang dalawa sa regular donors ng aking guessing games. Napag-usapan namin, habang kumakain ang tungkol sa aking interactive program.

Sabi niya malaking bagay daw an gaming interactive program para doon sa mga kababayan sa ibang bansa na dumaranas ng pangungulila. Nababawasan aniya ang kanilang kalungkutan kung naririnig nilang kinakausap ko sa telepono ang mga kababayan sa himpapawid o kung hindi naman ay binabasa ko ang mga liham sa himpapawid.

Sabi pa niya hindi alangang tawagin ang Filipino Service na bridge of friendship sa pagitan ng mga Chinese dito sa mainland at mga Pilipino sa Pilipinas at sa abroad. Dahil sa Filipino Service, nakikilala ng mga Pilipino at Chinese ang isa't isa. Nalalaman ng mga Pilipino kung ano ang tunay na nangyayari sa Tsina at nalalaman naman ng mga Chinese ang mga bagay-bagay hinggil sa Pilipinas.

Sana magkaroon din aniya ng pagkakataon ang mga iba pang kababayan na maiparinig ang kanilang tinig sa radio...

Hindi ko alam kung paano napunta ang usapan namin sa pulitika. Aaah, kasi nabanggit ng kasama ko na malapit na ang Holy Week. Ito namang si Joyce e pinuna ang mga kababayan natin na wala sa Semana Santa, sa Holy Week, ang isip kundi nasa pulitika...

At iyan ang biglaang pakikipanayam ko kay Joyce Alcazar mula sa Shangrila Hotel dito sa Beijing.

Ang liham na bibigyang-daan natin ay padala ni Rolly de Mesa ng Balik-Balik, Sampaloc, Manila.

Sabi ng kaniyang liham...

Dear Ramon,

Nandito na naman si Mr. Security. Maiksi lang ang pag-uusap natin sa telepono kaya itong sulat na ito ang continuation ng ating pag-uusap sa phone. Hindi tayo maaring mag-usap nang matagal sa phone kaya daanin na lang natin sa sulat.

Wala pang isang buwan noong huling mag-usap tayo, hindi ba, pare?

Gusto ko munang kumustahin ireng pakontes ninyo na sinalihan ko. Tungkol din sa China. Ireng pinakahuli. Bakit parang wala ata akong natanggap na acknowledgement o announcement ng winners? Hindi na ako interesado sa prize, pare. Gusto ko lang malaman kung tama ang mga sagot ko o hindi. Gusto ko rin kasing ma-test ang memory ko.

Natanggap ko na iyong t-shirt na consolation prize ko sa guessing game mo. Sayang hindi umabot ang sulat ko. DVD na sana, ano?

Natapos na pala ang session ng inyong kongreso. Buti pa kayo diyan well-organized at matahimik na nagtatrabaho ang mga miyembro ng kongreso. Hindi sila namumulitika at hindi nila kailangang mamulitika. Ang atensiyon nila ay nasa pambansang isyu. Congra Congratulations sa inyong lahat!

Mon, gusto kong pasalamatan ang inyong Filipino Service sa pagbibigay ng importansiya sa akin at sa mga correspondence ko. Halos lahat na ata ng sulat ko nabasa na ninyo.

Maganda ang dating ng Valentine's Day program mo. Mukhang nagbukas ka ng pages of history. Ayos na ayos ang concept. Heart na heart ang dating.

Tungkol naman sa iyong mga gimmick, wala akong masabi. Ang lakas maka-attrack ng mga ire lalo na ireng guessing games. Ituloy mo lang, pare. Pati iyong cooking show nga pala, okay din. Keep it up, pare. Nasa likod mo kaming lahat.

I am proud of you.

Rolly de Mesa
Balik-Balik
Sampaloc, Manila
Philippines

Thank you so much, Rolly, sa iyong sulat. Huwag kang mag-alala. Tsetsekin ko uli iyong mga sagot sa aming pakontes. Atsaka bukas ng gabi tatawag ako sa iyo. Hintayin mo ang tawag ko, okay?