Hello kina Perlita Pengson, Gemma Castillo, Jane Sumala, Yvette San Agustin at Lovely Dacayanan ng Philippine Embassy dito sa Beijing. Sana nakikinig kayong lahat sa mga oras na ito. Iyong request ninyo dadalhin ko diyan sa embassy pag nakakuha ako ng tiyempo. Sabi ko na sa inyo malakas kayo sa akin; ako lang ang mahina sa inyo, eh.
Ang long-distance voice natin ngayong gabi ay buhat sa Saudi Arabia-kay Lucas Baclagon.
Siguro ang hindi lang nakakakilala kay Lucas ay iyong mga bagong tagapakinig. Marami ring tagahanga ang kaibigan nating ito sa sirkulo ng aming mga tagapakinig. Siguro meron itong gayuna, he-he-he.
Sa telephone conversation namin kagabi, ipinaabot ni Lucas ang kaniyang mainit na pagbati sa lahat ng classmates niya sa aming Cooking Show, partikular na sa mga kababayan sa Hong Kong na regular na nakikinig sa naturang programa...
Hiningi ko ang opinyon ni Lucas hinggil sa kaso ni Angelo de la Cruz, iyong Filipino truck driver na dinukot ng mga armadong militante sa Iraq. Sabi niya...
Noong magbakasyon si Lucas sa Pilipinas, nagawi siya sa lugar ng Muslim traders sa may bandang Malate. Sa paglilibot niya dito, natuklasan niya na maski pala sa mga lugar na tulad nito, ang mga VCD, DVD, recorder, walkman, pantalon, damit, sapatos at kung anu-ano pa, ay made in China.
Sabi ni Lucas, ayon sa mga mangangalakal na Muslim, ang mga produktong yari sa Tsina ang harap ng kanilang mga parokyano kasi bukod sa mura na, mahusay pa ang pagkakagawa-at nagtatagal...
Narinig ninyo ang sabi ng ating long-distance voice mula sa Saudi: Malakas sa world market ang mga produktong Tsino kasi mura na mahusay pa. Hayun iyun, eh!
At mula sa malayong tinig ni Lucas Baclagon ng Jeddah, Saudi Arbia, dumako naman tayo sa mensaheng SMS ng ating textmates mula sa Pilipinas...
Mula sa 919 211 3340, Viva II CRI! Mula sa 917 914 6566, Hip-hop on Sundays, Please! At mula naman sa 920 415 5236, Good Riddance!
Oras na naman para sa pagbabasa ng liham ng tagapakinig dito sa Dear Seksiyong Filipino.Ang liham na bibigyang-daan natin ay padala ni Claire Olandes ng Mandaluyong, Metro Manila.
Sabi ng kaniyang liham...
Dear Filipino Service,
Thank you sa pagbati ninyo sa akin on-the-air, at sa mga souvenir items na tulad ng wall carpet na may horse design. Dalawa na ang wall carpet ko. Iyong isa ay tiger. Lahat ng galilng sa inyo hindi maaaring hindi ko magustuhan. Next time sana may autograph ni Romon Jr.
Gusto ko sanang marinig sa inyong programa ang hinggil sa personal experiences ng mga foreigners diyan sa China, lalo na iyong mga nagpunta sa historical places. Kasi habang niri-relate nila ang experiences nila, lalong nagiging clear sa akin na ang China ay isang dakilang bansa na may libong taong history of civilization.
Tuwang-tuwa ako noong mag-ulat ang inyong announcer tungkol sa Chinese panda.Noon ko lang nalaman na marami palang nalalarong tricks ang pambihirang hayop na ito. Noon ko rin nalaman na malakas pala itong uminom ng tubig. Umiinom ito hanggang sa magkabunda't bundat. Ito rin palang Panda ay hindi pala kawayan lang ang kinakain. Maging karne kinakain nito. Sana magkaroon ako ng alagang panda. Puwede kaya?
Lakip ng sulat kong ito ang entry ko sa inyong Guangxi Knowledge Contest. Sana paparalunin niyo naman ako.
Best wishes sa inyong lahat!
Claire Olandes Mandaluyong, M.M. Philippines
Thank you sa much Claire sa iyong pagsulat at sa iyong pagpapahalaga sa aming mga programa. Tatawagan kita sa telepono one of these days para kapanayamin.
|