• Hinggil sa CRI• Hinggil sa Serbisyo Filipino
More>>
China Radio International
Balita sa Tsina
Balita sa daigdig
Pulitika
Kabuhayan
Lipunan
Kultura
Isports
• Pakinggan ninyo ang pinakahuling programa natin

Tsinaistik

Lipunan

Tsina at ASEAN

Olimpiyada

Musika

Dear Seksiyong Filipino
(GMT+08:00) 2005-11-03 16:04:20    
Liham ni George Medina

CRI
Dear Filipino Service,

Sana maganda ang dating ng 2005 sa inyong lahat. Pero hindi sa akin dahil kung kelan pa magba-Bagong Taon atsaka pa ako nagkasakit. Huwag kayong maalarma, okey-okey na ako ngayon.

Napakinggan ko ang part ng inyong Christmas Special. Hindi ko nakuha ang simula kasi may interference. Nagustuhan ko ang concept at background music. Talagang sagapak.

By the way, gusto kong ipaabot ang pakikiramay ko sa mga namatayan at nawalan ng bahay sa ilang bansa ng Asia dahil sa malupit na tsunami. Alam ko na diskaril sila ngayon mentally and physically at gusto ko silang bigyan ng spiritual support sa pamamagitan ng inyong palatuntunan.

Kung may pinaplano kayo regarding this incident, haka nakahanda akong mag-share ng time at resources. Don't hesitate to call me or send me e-mail.

Ramon, bakit ba ganito ang buhay? Kung sino pa iyong hirap na hirap sila pa ang parang minamalas. Kung sabagay hindi ako dapat magsalita ng ganito dahil Diyos lang ang nakakaalam ng lagat. Nasasabi ko lang naman ito dahil sa awa ko sa mga tao lalo na sa mga bata at mga babaeing tulala. Maaring maibalik nila ang mga nasirang bahay at gusali pero matatagalan bago mabura sa isip nila ang nangyari lalo na doon sa mga bata na nawalan ng tatay at nanay.

Tungkol naman sa mga ipinadadala ninyong souvenirs sa akin, wala namang problema. Buwan-buwan nakakatanggap ako ng sulat sa inyo at mga kopya ng magazines. Last month nakatanggap ako ng t-shirt at wall carpet na nagpasaya sa komander ko. Maraming salamat.

Pag December maraming interference sa inyong transmission kaya kailangan abangan ang inyong re-broadcast. Nakukuha ko pa rin naman.

Sige, hanggang dito na lang muna. Ituloy na lang natin ang susunod na kabanata next time.

Palakas ka Ramon at kailangan ka naming lahat at regards sa lahat ng staff ng Filipino Service.

God Bless You all!

Your friend,
Dr. George Medina
Nakar, San Andres
Manila, Phils.